^

PSN Opinyon

Pinoys sa US gustong makaboto sa 2010

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

KAPAG dumadalo ako sa pagtitipon ng Pinoys dito sa Amerika mga nangyayari sa Pilipinas ang laging pinag-uusapan. Nakatuon pa rin ang kanilang pansin sa ban­sang sinilangan. Uptodate ang Pinoys sa balitang galing Pinas – ma-pulitika o tsismis sa artista. Balitang-balita rito ang Hayden Kho-Katrina Halili sex video. Halos lahat ng Pinoy napanood kanilang sex video. Sinubaybayan din ang imbestigasyon ng scandal na wala rin naman kahihinatnan gaya ng ibang imbestigasyon.

Uptodate din ang Pinoys sa mga korapsiyon sa Pinas. Suspetsa nila may kinalaman ang Malacañang at mga taong malapit sa Palasyo. Pati bigayan ng envelope na may pera para sa mga kongresista alam nila. Alam nila ang tungkol sa impeachment case kay GMA at con-ass.

Ang tila wala silang update ay ang tungkol sa kaya­manan ni dating President Marcos na sinequestered ng gobyerno. Ano na ang nangyari sa paintings, antiques, artifacts, alahas at bilyong kayamanan ng dating dikta-dor. Inakusahan ni dating First Lady Imelda Marcos ang PCGG ng pag-aagaw sa kanilang kayamanan. Marami raw sa mamahaling alahas ang hindi malaman kung nasaan na.

Maraming Pinoy ang nagpupuyos ang damdamin    kaya nais nilang makisali sa mga kaganapan sa Pilipi-nas sa pamamagitan ng pagpili sa mga mamumuno sa hinaharap. Parami nang parami ang kumukuha ng dual citizenship at nagpapa-register para makaboto sa 2010 eleksyon. Maraming Pinoy ang ibig mag-invest at mag­negosyo kapag daw bumuti na ang kalagayan ng puli-tika at ekonomiya sa Pinas.

vuukle comment

ALAM

ANO

BALITANG

FIRST LADY IMELDA MARCOS

HAYDEN KHO-KATRINA HALILI

INAKUSAHAN

MARAMING PINOY

PINOYS

PRESIDENT MARCOS

UPTODATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with