^

PSN Opinyon

Bitag kuno? Ipagbigay alam sa tunay na BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PATULOY kaming nagbibigay ng babala at nananawagan, patuloy na ginagamit ang aming pangalan kaya’t masigasig ang aming kampanya sa mga panahon na ito sa mga poncio pilatong sumasakay sa aming pangalan.

Huwebes ng hapon, a-9 ng Hulyo nang napasugod ang grupo ng BITAG sa Baliwag Police Station sa Bula­can matapos kaming makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigang pulis.

Isa raw lalaki ang gumagamit ng pangalan ng BITAG, nangongolekta ng pera kapalit ng isang sertipiko na magbibigay proteksiyon sa anumang traffic rules and regulations.

Napag-alaman naming BITAG news ang nasa likod ng ganitong modus at nationwide pa ang kanilang operasyon.

Ang impormasyon, kasalukuyang nakakulong raw ito sa nabanggit na police station kaya doon ito tinungo ng aming grupo upang makaharap.

Subalit hindi na namin ito nakita ng BITAG sa Baliuag Police Station ang suspek, na-irelease na raw ito dahil wala nang nagrereklamo.

Dala ang mga impormasyon sa suspek at mga doku­mento mula sa estasyon ng pulis, tinunton ng BITAG ang kinaroroonan ng napangalanang suspek na si Delfin Salonga Sevilla.

Hindi namin ito nadatnan sa kaniyang bahay subalit suwerteng namataan namin ito sa kalsada. Bagama’t naawa ang BITAG sa estado ng pamumuhay nito nang puntahan namin ang kaniyang bahay, umiral pa rin ang misyon naming turuan ito ng leksiyon.

Iginigiit nitong BITAG na diyaryo daw siya kasapi at ang kanilang tanggapan ay sa Fairview. Nakapag-im­bestiga na kami bago pa man namin harapin si Salonga dahil ang kanyang tinutukoy na tanggapan ay sarado na at patay na ang pinuno.

Nais linawin ng BITAG na hindi namin kinikilala ang diyaryong may pangalang BITAG News, tanging kolum sa Pilipino Star at diyaryong Pang-Masa mababasa ang mga lathala ng BITAG.

Wala kaming kabahagi   sa BITAG na naka-assign kuno sa iba’t-ibang lalawi- gan at iisa lamang ang aming tanggapan na siyang mata­tagpuan sa bahagi ng Que­zon City.

Babala ito sa mga patu-loy na gumagamit ng aming pangalan, ipinapakita ng BITAG na oras na gamitin at dungisan ang aming pa­nga­lan, kahit saang lupalop man kayo naroon, tutugisin at tu­tuldukan namin ang kaloko­han niyo.

Nananawagan kami sa lahat ng aming taga-subay­bay, ipagbigay alam sa aming tanggapan ang sinu­mang makakita o makakilala sa mga impostor na BITAG.

Malinis ang aming layu-nin sa larangan ng serbisyo publiko, ayaw naming gina­gamit ang aming pangala sa kani-kaniyang raket at pan­sariling interes.

Hindi namin ito papa­ya­gang madungisan at ma­sira ng mga putok sa buho la­mang.

AMING

BALIUAG POLICE STATION

BALIWAG POLICE STATION

BITAG

DELFIN SALONGA SEVILLA

NAMIN

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with