^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakalilitong pagtaas-baba ng petroleum products

-

MERON pa raw pagkaltas na gagawin sa kani-lang produkto ang oil companies. Ilang araw na inaanunsiyo ang kanilang pagkakaltas. Para bang isang napakalaking utang na loob sa kanila ang gagawin nilang pagkaltas sa presyo ng kanilang produkto. Mabuti naman kung magkakaltas sila. Ito naman ang hangad ng nakararaming motorista at taumbayan.

Ang nakapagtataka lang, kung gaano kabagal bumaba ang presyo ng gas, napakabilis naman  nito kung tumaas! At nakapagtatakang hindi na sila nag-aanunsiyo ng pagtataas at karaka-raka ay itataas na agad nila. Magugulat na lamang ang motorista na nakapagtaas na ang mga kompanya ng langis. Ni hindi pa nararamdaman ang pagbaba kuno ng gas ay eto na ang mabilis na pagtaas. Naka­pagta­taka ring tumataas ang presyo ng gas habang nag-aanunsiyo naman na mababa ang presyo sa world market. Sa kasalukuyan, $68 bawat bariles ng crude oil.

At wala namang aksiyon sa nangyayaring sit­wasyon si Energy secretary Angelo Reyes. Wala siyang maipaliwanag sa nangyayari. Kaya hindi masisisi ang ilang sector kung hilingin na siya ay bumaba na sa puwesto. Pero ang sagot naman ni Reyes, ginagatungan lamang daw ang isipan ng mamamayan ng ilang interests group. Hindi raw dapat takpan ang katotohanan. Ipinagmalaki pa ni Reyes na ang presyo ng gas sa Pilipinas ang pina­kamura sa Asia at maski sa mundo.

Ilang ulit namang nagbanta ang ilang mamba­batas na bubuksan ang libro ng oil companies para malaman kung nalulugi nga sila o hindi pero sa kasamaang palad hindi ito maisagawa. Pawang banta lang. Pawang pananakot lang. May pagkaka­taon naman na kapag nabuksan o napag-usapan ang libro ng oil companies, nagbababa sila ng presyo ng kanilang produkto. Para bang gusto lang nilang palamigin ang isyu.

Litung-lito na ang taumbayan sa taas-baba-taas-baba ng petroleum products. Kailan magwawakas ang pagkalito?

vuukle comment

ANGELO REYES

ILANG

IPINAGMALAKI

KAILAN

KAYA

LITUNG

PAWANG

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with