^

Mas mahaba na ang buhay ng prepaid!

K KA LANG? - Korina Sanchez () - July 7, 2009 - 12:00am

MARAMING sektor ng lipunan ang nagpuri sa aksyon na ginawa ng NTC na halos doblehin ang buhay ng prepaid load. Matagal nang inirereklamo ng publiko ang masyadong maikling taning ng mga load, na napipilitan silang gamitin para huwag lang masayang. Ang mga mahihirap ang madalas tamaan ng maiikling taning. Isama na ang mga nawawalng load at biglaang napuputol na mga tawag, at matutuyuan ka talaga ng dugo sa prepaid loads na iyan. Kaya napansin nang husto ang problemang ito dahil isang senador ang naging biktima rin ng mga problemang iyan. Kung hindi pala nawalan ng load si Sen. Juan Ponce Enrile, hindi bibigyan ng pansin ang problema!

Malaki ang kinikita ng telecom companies (telcos) sa prepaid. Nauuna na ang pera kaysa serbisyo. At cash lahat ng transaksyon na prepaid. Marami na silang maga­gawa sa mga perang iyan kahit hindi pa nila binibigay ang serbisyo sa subscriber. Marami ring ibang kumpanya ang gumagamit na rin ng ganyang sistema. Mga kainan, hotel, talyer at iba pa. Babayaran mo sila, pero mga benepisyo ay makukuha mo sa ibang araw. At hindi rin naman libre ang kakainin mo, o ang kuwarto sa hotel, o ang serbisyo sa talyer. Kadalasan ay discounted lang. Parang ganun na rin ang pre-need na kompanya. Binabayaran mo sila ng cash para sa isang serbisyo na matagal mo pang gagamitin. At alam na natin ang nangyari sa ibang mga pre-need katulad ng CAP, Pacific Plans at Legacy. Nung bumagsak na, wala na rin mga binayaran mo.

Marami rin ang nagreklamo sa mga text na pinapadala ng mga kompanya para mag-advertise ng kanilang mga produkto o serbisyo. Sa isang araw nandyan ang mga nagpapautang, mga kainan na may mga promo, mga ringtone, mga dagdag load. Wala raw pinagkaiba ito sa mga komersyal sa TV at radyo na wala kang magawa kundi makinig na lang. Parang billboard na rin minsan ang mga cellphone sa dami ng mga advertisement na pumapasok dito.

Mahalaga ang magandang serbisyo na mabibigay ng telco sa kanilang mga subsscriber, lalo na ngayong hindi na kapritso o gamit ng mayayaman lang ang telepono. Bahagi na ng pang araw-araw na buhay ang cellphone, kaya kahit mga mahihirap ay nagpupursigi para lang makagamit pa rin ng telepono. Dahil dito, obligasyon ng mga kumpanya ang alagaan ang kanilang tagapag­tangkilik, nang sa gayo’y mapagpatuloy ang magandang negosyo na binibigay ng mga subscriber. Kaliwaan, ika nga. Kung nauuna na nga ang bayad, lalong dapat maganda ang serbisyo!

BABAYARAN BAHAGI BINABAYARAN DAHIL JUAN PONCE ENRILE MARAMI PACIFIC PLANS RIN SERBISYO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with