^

PSN Opinyon

Si Bro. Mike ay hindi mamamatay tao

- Roy Señeres -

NABANGGIT ko sa kolum na ito noong nakaraang linggo na si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai at Buhay Party List at ang kanyang mga kaalyado tulad ni Mel Robles na pangulo kuno ng naturang partido at ang mga ama ni Erwin Tieng at Carissa Coscoluella na mga representative ngayon ng partido ay mga birds of the same feather? dahil ang mga pangalan nila ay nasasadlak ngayon sa mga malalaking anomalya.

Halimbawa si Bro. Mike ay may nakabinbin ngayon na plunder case sa Korte Suprema dahil sa diumano’y malaking tongpats sa ibenenta niya sa gobyerno na lupa sa Parañaque City. Kapag na convict si Bro. Mike sa kasong ito, habambuhay na imprisonment ang magiging hatol sa kanya.

Si Mel Robles naman ay may plunder case din sa Ombudsman hinggil sa milyun-milyon ding mga maano­malyang mga transaction sa LRTA kung saan siya ay Administrator ngayon. Si Papa naman ni Carissa Cos­cuella ay may kaso rin hinggil sa pagpuputol ng mga heritage trees sa Subic, Zambales. Si Daddy naman ni Erwin Tieng ay sangkot sa maanomalyang pagbebenta ng mga expired chocolate sa Duty Free Philippines at ang pag­paupa ng Fiesta Mall sa Parañaque na ubod ng mahal at disadvantageous pa sa gobyerno.

Bagamat paiba-iba ang kinasasangkutang mga anomalya, silang lahat ay mga magkakaibigan at kaalyado sa Buhay Party List. Kaya tama nga na bansagan silang mga birds of the same feather who flock together.

Dahil sa kolum na iyon, sunud-sunod ang anonymous text messages ang natanggap ko na nagbabanta ng kamatayan sa akin. Hoy mga pare koy! Akala ko, Buhay Party List kayo bakit kama­ta­yan ko ang minimithi nin­yo? In fairness to Bro. Mike, hindi siya mamama­tay tao. Kilala ko siya. Ka­pag nagalit siya, nangungu­rot lang na parang si Kuya Germs Mo­ reno. Si Bro. Mike at si Kuya Germs pareho lang ng style kapag nagalit pati na rin sa pananamit. Ang mga ameri­kana nila ay kulay pink, yellow, red, green at blue.

Sa mga nagpapadala ng death threats sa akin, ito lang ang masasabi ko. Go ahead. Make my day. In the meantime, palitan n’yo ang panga­lan ng party list nin­yo. Sa halip na Buhay Par­ty List, gawin n’yo na lang na Patay Party List!

vuukle comment

BUHAY PAR

BUHAY PARTY LIST

CARISSA COS

CARISSA COSCOLUELLA

DUTY FREE PHILIPPINES

EL SHADDAI

ERWIN TIENG

FIESTA MALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with