^

PSN Opinyon

Bulkang de Venecia

- Al G. Pedroche -

NAGMISTULANG nag-aalburotong Mt. Pinatubo ang pinatalsik na House Speaker Joe de Venecia. Ibinuga ang “lahar” ng kanyang hinanakit kay Presidente Arroyo. Isinumbat ang kanyang mga ginawang pagsaklolo para huwag ma-impeach ang Presidente. Ngayon, si JDV ang tumalsik matapos ang limang termino bilang Speaker ng Kamara de Representante.

Na-political-talk siya nang husto ng Pangulo. Pinanga­kuang susuportahan siya para manatiling Speaker. Kesyo nag-areglo pa raw ng golf game kasama siya, si JDV at si Rep. Nograles para ma-plantsa ang kanilang sigalot at manatili ang “status quo” sa Kamara. Lahat ng pangako ay napako.  Hugas-kamay ang Pangulo ngayon at sina­sabing wala siyang kinalaman sa pagpapatalsik kay JDV.

Ang ugat ng lahat ng problema ni JDV ay ang eksposey ng kanyang anak na si Joey na alam na natin.  Totoo man o hindi ang sinasabing hantarang overpricing ng NBN-ZTE broadband deal, ito’y nakasakit sa damdamin ng Pangulo. Giving Joey the benefit of the doubt, tama ang ginawa niya provided wala siyang vested interest sa pagsisiwalat ng anomalya.

At kung noon pa man ay lantad na kay JDV ang mga anomalya ng liderato ni GMA gaya nang ipinahihiwatig niya ngayon, noon pa man ay kumalas na sana siya sa administrasyon at nag-oposisyon. Sa kanyang talumpati bago ang botohang nagpatalsik sa kanya, ipinahiwatig ni JDV na marami pang maisisiwalat na kabulukan laban kay GMA. If JDV means well,  that is very, very welcome. Pero  mawawalan na siya ng kredibilidad dahil “he’s got an axe to grind” laban sa Pangulo.

Parang inamin niya na dumepensa siya nang husto  kay GMA sa kabila ng mga katiwalian ng Pangulo at ngayon, pinatalsik siya sa puwesto. “Pagtatakpan ko ang katiwalian mo, pagtakpan mo rin ang sakin”  ganun ba? Bad iyan! Malungkot pero ganyan ang takbo ng poli­tika kaya nagkaroon ito ng pangit na reputasyon. Pero ang politika ay bahagi ng buhay ng tao na hindi puwedeng iwaksi kundi repormahin lang para walang umiiral na maka­sariling interes.

vuukle comment

GIVING JOEY

HOUSE SPEAKER JOE

JDV

KAMARA

MT. PINATUBO

PANGULO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with