^

PSN Opinyon

Villafuerte vs Villafuerte sa jueteng?

- Al G. Pedroche -
TOTOO ba ito, nag-aaway daw ang political family na Villafuerte sa usapin ng jueteng sa Bicolandia? Ganito ang buong kuwento.

Marami ang nagtataka kung bakit tinanggal sa Bicolandia ang jueteng buster na si PNP regional director Ricardo Padilla. Dahil sa nangyaring ito, pinangangambahang manumbalik ang talamak na jueteng sa rehiyon.

Ipinalit kay Padilla ang isang Col. Val Tira na mas mababa ang ranggo. Ayon sa ating impormante, si Padilla na Chief Superintendent, ay napalitan ni Val Tira, dahil ito’y "mabait" at malapit "daw" kay Bong Villafuerte.

Wala akong masilip na rason para palitan si Padilla ng isang low-ranking PNP officer. Kauupo lamang ni Padilla bilang Regional Director ng Region V pinalitan agad siya. Baket? Ganda ng record ni Padilla kahit nung kadete pa lang.

Si Padilla, ang PMA baron ng Class 77. May malawak na eksperiyensiya, di-matatawarang disiplina at kapabilidad bilang lider para humawak ng isang malaking rehiyon tulad ng Bicol. Si Val Tira ay kulang pa sa karanasan pero mukhang malakas sa mga may kapangyarihan sa Bicol. Nakapagtataka na kung kailan nasa midstream ng election period ay saka papalitan ang isang epektibong PNP chief sa rehiyon.

Ayon sa aking source, ang tunay na rason kung bakit sinibak si Padilla ay ang determinasyong masugpo ang jueteng bilang parte ng kampanya ng PNP laban sa illegal gambling. Ayoko sanang isiping totoo ang ipinaparatang kay Bong Villafuerte na gumamit siya ng impluwensiya para mapalitan si Padilla ng isang opisyal ng PNP mas madaling kontrolin para maibalik ang illegal gambling operations sa Bicol. Pero ganyan ang alimuom na nasasagap natin. Sana, sana, hindi totoo.

Ayon sa ating source, pinapayagan ng tatay ni Bong na si Rep. Luis Villafuerte ang paghahari niya sa jueteng kaya’t ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkagalit ang congressman at ang isa pa niyang anak na si Camarines Sur Gov. L-Ray Vilafuerte na tutol na tutol sa illegal gambling.

Gustong sugpuin ni Gov. Villafuerte ang jueteng sa kanyang lalawigan dahil maganda ang mga plano niya para dito. Gusto niyang mapaunlad ang Camarines Sur bilang tourism hub ng bansa pero hindi niya maisagawa ito nang husto kung may jueteng na sisira sa kanyang magandang plano para mapaganda ang ekonomiya ng lalawigan. Kaya hindi na nagtataka ang marami nang manatili si Gov. Villafuerte sa Lakas-CMD kahit naging presidente na ng Kampi ang kanyang ama.

Tsk, tsk… ang sitwasyon sa Bicol ay hindi lamang isang away ng pamilya. Ito ay nagpapakita rin ng pangit at madilim na sulok ng pulitika sa ating bansa. Ang pagkakapalit kay Padilla bilang Bicol regional director ay nagbibigay ng maling senyales na ang pulitika at impluwensiya ay mas im portante kaysa sa track record at qualifications sa paghirang ng mga promotion sa PNP. Ugat din ito para magkaroon ng demoralisasyon sa PNP. Nagbibigay ito ng lakas-loob sa mga bulok na itlog sa loob ng organisasyon para ipagpatuloy ang tiwali nilang gawain.

vuukle comment

AYON

BICOL

BONG VILLAFUERTE

PADILLA

PARA

VAL TIRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with