^

PSN Opinyon

‘Ang kaibigan kong basagulero...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
DAPAT NA MAGING MAINGAT sa taong pinapapasok natin sa ating bahay. Kung minsan, kahit na gaano man kalapit sa atin ito at ituring na kapamilya ay posible ring makapanakit sa’yo.

Ganito ang istoryang inilahad ni Anita Teodoro ng Taguig ang kanilang problema hinggil sa taong matapos nilang pakitaan ng kabutihan ay nagawa pa nitong pagtangkaang patayin ang biktimang si Alvin.

Mayo 2004 nang patirahin ng mga Teodoro si Ernesto dela Cruz. Naawa ang mag-asawang Anita at Alvin dahil wala umano itong matutuluyan sapagkat nasa probinsiya ang mga kaanak nito.

"Duguan siya nang magpunta sa amin, walang suot na tsinelas at ang sabi niya sa amin napaaway daw siya. Naawa kami kaya ang sabi namin ay sa bahay na lang namin siya tumuloy," kuwento ni Anita.

Magmula nang kupkupin nila si Ernesto, marami na umano itong kinasasangkutang gulo. Madalas nila itong pinagsasabihan sapagkat tahimik silang namumuhay sa kanilang lugar subalit hindi naman nito pinakikinggan ang kanilang mga payo. Dumating din ang oras na hindi na lamang nila pinapansin ang mga ginagawa nito.

"Lagi na lang siyang may nakakaaway lalo na kapag lasing. Hindi naman nagkulang ang asawa ko na payuhan siya pero bale-wala lang sa kanya ito," sabi ni Anita.

Gayunpaman nananitili pa ring magkaibigan sina Alvin at Ernesto. Natulungan din umano ni Alvin ang kanyang kaibigan na ipasok ito sa pinapasukan nitong construction.

Ika-29 ng Agosto 2005 pasado alas-6 ng hapon, magkasabay umuwi sina Alvin at Ernesto galing sa kanilang trabaho.

"Pagkadating nila sa bahay ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang dumating naman si Jaime, kaibigan ng asawa ko. Nag-inuman sila sa bahay namin," sabi ni Anita.

Nagyaya umano si Jaime na mag-inuman bagay na tinanggihan umano ni Alvin dahil abala pa ito sa pag-aalaga ng bata. Hanggang sa ang niyaya na lamang nito ay ang suspek.

Dahil sa magkaibigan din sina Jaime at Ernesto, sila na lamang ang nagharap sa inuman.

"Nagpaalam si Alvin na pupuntahan nito ang kanyang kumpare. Ayaw kasi niyang uminom kaya ‘yon na lamang ang paraan niya para makaiwas," ayon kay Anita.

Natagalan si Alvin sa bahay ng kaibigan kaya minabuti ng asawa nitong si Anita na sundan ito. Pagkauwi naman ng mag-asawa ay tapos nang mag-inuman sina Jaime at Ernesto.

Nakauwi na si Jaime habang si Ernesto naman ay naabutan na lamang nilang nakaupo dahil sa labis na kalasingan nito. Kung hindi aalalayan ay hindi ito makakalakad mag-isa.

"Sinabihan siya ni Alvin na matulog na siya at magpahinga dahil nga maaga ang pasok nila bukas. Hindi naman na sumagot si Ernesto," kuwento ni Anita.

Hinanda umano ni Alvin ang tutulugan ni Ernesto. Inalalayan nito ang kaibigan patungo sa higaan nito pagkatapos noon ay magpapahinga na rin silang mag-asawa.

"Pagkatalikod ng asawa ko hindi niya alam na kumuha na pala si Ernesto ng kutsilyo. Pagkatapos ay walang awa niya itong pinagsasaksak," salaysay ni Anita.

Nagmamakaawa ang biktima sa suspek na huwag siyang saksakin subalit hindi naman nito pinakinggan ang kanyang pagmamakaawa. Hindi rin nagawang awatin ni Anita ang suspek dahil sa takot nitong siya naman ang balingan nito. Matapos gawin ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek.

Walong saksak ang tinamo nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Dinala agad nila ito sa ospital upang malapatan ng karampatang lunas ang biktima.

"Malala ang naging kalagayan ng asawa ko pero sa kabutihang palad naman ay ligtas siya," pahayag ni Anita.

Agad ding inireport ni Anita ang insidente sa himpilan ng pulisya. Kasong attempted homicide ang isinampa ng pamilya ng biktima laban sa suspek. Subalit hindi na rin ito nagpakita pa at wala na ring balita tungkol dito.

"Hangad kong mabigyan ng hustisya ang nangyari sa asawa ko. Umaasa din akong pagbabayaran niya ang kanyang ginawa. Nararapat lang na pagdusahan niya sa bilangguan ang ginawa niyang krimen," pagwawakas ni Anita.

Para sa lahat ng may problema sa lupa, maaari kayong magsadya sa aming tanggapan tuwing araw ng Huwebes. Mayroong representative mula sa Land Registration Authority na magbibigay ng advice sa inyo.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 0 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Abangan ang iba’t ibang isyung tatalakayin sa aming radio program HUSTISYA PARA SA LAHAT kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
* * *
E-mail address: [email protected]

ALVIN

ANITA

ASAWA

ERNESTO

JAIME

NAMAN

NITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with