^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Higpitan ang mga nakamotorsiklo

-
MOTORSIKLO na ngayon ang ginagamit na sasakyan ng mga nang-aambush. Madali kasing makatatakas ang mga suspect kung motorsiklo ang gamit sa pag-ambush. Madaling makasisingit sa trapik at nakakaarangkada agad. Presto at matatakasan na ang ginawang krimen. Hindi na makahahabol ang mga alagad ng batas sapagkat iglap lamang ay malayo na ang mga salaring nakamotorsiklo. Karaniwang magkaangkas sa motorsiklo ang mga nang-aambush.

Isa sa pinaka-latest na napatay ng mga nakamotorsiklong lalaki ay ang dating commnist rebel na si Sotero Llamas. Nakasakay sa kanyang minivan si Llamas nang pagbabarilin ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo. Tinamaan sa ulo at katawan si Llamas at namatay noon din. Hinala ng pulisya, pinatay si Llamas ng mga dating kasamahang rebelde. Sabi naman ng CPP-NPA, ang military ang nasa likod ng pagpatay.

Si Llamas ang ikawalong tao na napatay sa buwang ito. At sa maniwala at sa hindi, pawang mga nakamotorsiklo ang nagsagawa ng pag-ambush. Pagkaraang barilin si Llamas, walang anumang tumakas ang mga salarin. Hanggang ngayon, wala pang mapagkikilanlan sa mga suspect.

Bago pinatay si Llamas, napatay din ng mga nakamotorsiklong kalalakihan ang founding member ng Bayan Muna na si Noli Capulong sa Calamba, Laguna. Mabilis ding nakatakas ang mga suspects at hanggang ngayon ay nangangapa pa ang pulisya.

Mga lalaking nakamotorsiklo rin ang pumatay sa radio commentator na si Fernando Batul. Nakasakay sa kanyang service vehicle si Batul nang pagbabarilin ng mga lalaking nakamotosiklo. Isang pulis ang itinuturong pumatay kay Batul. Isang linggo bago patayin si Batul, binaril din at napatay ang photojournalist na si Albert Orsolino at mga lalaki ring nakamotorsiklo ang bumaril sa kanya. Pulis din ang suspect sa pagpatay kay Orsolino.

Marami pang pinatay at pawang mga nakamotorsiklo ang mga salarin. Mabilis nga namang makatatakas kapag motorsiklo ang gamit. Hindi maiipit sa trapik. Hindi basta mahahabol ng mga pulis.

Dapat maghigpit ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga lalaking naka-motorsiklo lalo na ang magkaangkas. Maglagay ng checkpoint at inspeksiyunin ang mga naka-motorsiklo kung may dalang baril at kahina-hinala ang kilos. Sa panahong ito na ang motorsiklo ang gamit para mang-ambus, dapat maghigpit sa mga sasakyang ganito ang PNP.

vuukle comment

ALBERT ORSOLINO

BATUL

BAYAN MUNA

FERNANDO BATUL

ISANG

LLAMAS

MABILIS

MOTORSIKLO

NAKASAKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with