^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa Palau

SAPOL - Jarius Bondoc -
HUWAG padala sa pangako ng recruiter ng masaganang buhay sa Palau. Unang-una, hindi US Territory ang maliit na grupo ng isla sa kanan-ilalim ng Mindanao; dati itong trust region pero naging independent nu’ng 1994. Ikalawa, kokonti’t bihira ang magandang trabaho ru’n; ang Palau ay ilang kilometro-kuwadrado lang, sinliit ng Metro Manila, puro bukirin at diving resort; mas backward kaysa Pilipinas. Ikatlo, mahina ang mga batas du’n kontra pang-aabuso ng employers sa dayuhan; ang pangakong posisyon na office supervisor, restaurant accountant o road engineer ay para pala sa magtatanim, waitress o piyon. At malamang, labag sa usapan, ang sahod ay $150 (P8,000) kada buwan – wala pa ang pangakong libreng pagkain at bahay. Hindi sulit ang ibabayad na $1,270 (P70,000) sa illegal recruiter na matamis ang dila.

Nitong mga nakaraang buwan tumaas ang bilang ng mga Pilipinong naloloko ng recruiters. Hindi na magkandaugaga ang Philippine embassy doon, na maliit ang budget, sa pag-alaga ng mga sinawimpalad na OFWs, pagpiyansa sa mga nakulong, at paghabol sa mga manlolokong employer. Buti na lang at tumutulong ang The Filipino Community of Palau (TFCP).

Nu’ng Nob 16 lang labing-anim na OFW ang lumanding sa airport sa Koror capital na hawak ay tourist visa lang. Ilan sa kanila ay dinetene agad ng immigration nang umaming magtatrabaho pala du’n. Nakalusot ang karamihan, pero nagulat na wala ang pangakong sasalubong sa labas. Napag-alamang nagpulasan pala ang mga "contacts" nang mai-tip tungkol sa naunang gulo sa loob ng airport. Ang embassy ang tutustos sa pasahe nila pauwi ng Pilipinas.

Sabado, limang bagong recruit ang tumakas sa employer. Lahat babae, pinangakuan sila ng mga trabahong cashier at supervisor sa resort. Pero pagdating nila, sinabihang magsisilbi bilang waitress, at di nagtagal piniwersang mag-bar girls. Nakikituloy sila ngayon sa isang TFCP kasapi.

Batid ng awtoridad ang nangyayari sa Palau kaya hindi nagpapa-deploy ng OFWs sa Palau. Pero marami pa rin ang nalalanse. Sa interviews ng TFCP, iisa ang salaysay nila. Nakalusot sila sa Manila pa lang sa tulong ng tiwaling immigration officers. Hay naku, walang kadala-dala.

vuukle comment

BATID

BUTI

FILIPINO COMMUNITY OF PALAU

IKALAWA

METRO MANILA

NAKALUSOT

PALAU

PERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with