^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Parusa’y magaan para sa kawatan

-
MARAMING nilabag ang dating comptroller at general ng Armed Forces of the Philippines na si Carlos Garcia pero magaan lang ang parusa sa kanya. Dalawang taong pagkabilanggo ang hatol sa kanya ng military court. Bukod sa pagkabilanggo, na-discharged na siya sa serbisyo at wala nang makukuhang benepisyo kasama ang kanyang pension. Ang mga kasalanan ni Garcia ay ang paglabag sa Articles of War 96 at 97, hindi pagdideklara ng kanyang Statements of Assets and Liabilities para sa 2002 at 2003 at ang pagiging American citizen.

Sa dami ng kanyang kasalanan, magaan pa rin ang hatol. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang hindi natatakot gumawa ng kasalanan kahit na sila’y miyembro pa ng AFP. Magaan lang naman ang parusa.

Ganoon pa man, hindi pa tapos ang kaso ni Garcia. Marami pa siyang haharaping kaso sa Sandiganbayan. At kung magaan man ang parusa sa kanya ng mga "kabaro" niya sa military, baka sa Sandiganbayan ay mabulok na siya sa bilangguan sa sandamukal na kaso ng pangungulimbat. Umaabot sa mahigit na P300 million ang nanakaw ni Garcia noong siya pa ang bossing ng comptroller ng AFP. Kaya kahit na hindi na makakuha ng pension at mga benipisyo si Garcia, okey lang marahil sa kanya. Kapiranggot lang ang mawawala sa kanya. Marami siyang ari-arian hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Maraming sasakyan.

Nabuking ang pangungurakot ni Garcia nang arestuhin ng airport authorities ang kanyang anak sa San Francisco Airport na may dalang $100,000. Sinabi ng asawa ni Garcia na ang mga iyon ay regalo sa kanyang asawa. Ang insidenteng iyon ang naging daan para mahalungkat na ang mga nakatagong yaman ni Garcia.

Magaan ang parusa kay Garcia at maaaring ganito rin ang maging hatol sa iba pang heneral ng AFP na sangkot sa pangungulimbat. Katulad ni retired Lt. Gen. Jacinto Ligot. Si Ligot ang pumalit kay Garcia sa comptroller. Nadiskubreng maraming ari-arian si Ligot na halos walang ipinagkaiba sa dati niyang amo na si Garcia.

Laganap ang corruption sa gobyerno at pati mga opisyal ng AFP ay nabahiran na. Habang maraming sundalo ang sira ang uniporme at combat shoes, kulang sa supply ng pagkain, at marami ang walang sariling bahay at lupa, marami rin naman ang mga heneral na nagpapayaman sa puwesto. Kapag nabuking ang pagnanakaw hahatulan lamang nang napakagaan. Sino ang hindi maghihinagpis sa ganitong kalakaran?

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARTICLES OF WAR

CARLOS GARCIA

GARCIA

JACINTO LIGOT

MAGAAN

MARAMI

SAN FRANCISCO AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with