Gaano ka-atrasado ang pag-iisip natin?
November 11, 2005 | 12:00am
NASA antas ang mundo ng pinaka-nakalululang lundag ng teknolohiya. Kung nooy buwan ang inaabot bago makarating ang koreo, nakakatawag na tayo sa cell phone saan mang lupain. Ang Tsina nagpapa-orbit na ng spaceship, at ang U.S. nag-e-explore sa Mars. Ang cancer nagagamot na, at nagko-clone na ng stem cells para pamalit sa sakiting human organs. Lahat ito biyaya ng Diyos na naghandog sa tao ng utak at resources para isulong ang sibilisasyon.
Ngunit nasaan ang Pilipinas? Hayan, ginagamit ang kakapiranggot na teknolohiya para sa kabuktutan. Halimbawa: Ang paglagay ng ilegal na police sirens sa mga di-awtorisadong sasakyan para makalusot sa trapik at panyabang. Pulis, bumbero at ambulansiya lang ang puwede magwang-wang. Pero may sirena ang mga sumusunod: puting Nissan Pathfinder na may plakang SEZ-607; Mitsubishi o Toyota van, WRF-447; itim na Nissan Patrol, XKH-253; itim Ford Expedition, XED-954; dark blue Honda Accord, UFZ-711; Puti Daewoo Prince, WKE-754; gray Toyota Corona, UEL-493; itim Ford Expedition, XHL-321.
Abay nasa panahon na tayo ng mabibilis na eroplanong dose oras lang liparin ang Manila-Los Angeles, at ng mga kotseng maaring i-switch sa gasolina o sa solar-powered battery. Pero ang inaatupag pa natin ay kababawan at panlalamang.
Kung yan ang nakikitang "teknolohiya" sa siyudad, ano naman kaya ang nasa kanayunan? Nung Undas, kakila-kilabot na napabalitang pinasok ang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan, at pinugutan ang isang biyuda sa hinalang siya ay witch o mangkukulam. Naggagayat si Norma Matabang ng gulay para hapunan nang biglang pumasok ang salarin at initak siya sa leeg.
Maaalala sa insidente ang naganap sa Salem, Massachusetts, nung 1692 mahigit 300 taon na ang lumipas. May ilang bata nun na sinapian umano ng demonyo. Pinagbintangan ng komunidad ang yaya, na ipinabitay. Yun pala, may matinding lagnat lang ang mga "na-possess."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest