Isang paraan ng pagpapagaling
June 3, 2004 | 12:00am
MADALAS kong isulat dito sa aking column ang tungkol sa misyon at layunin ni Jesus na mapalaganap ang paghahari ng Diyos sa pamamagitan nang pagtataguyod ng kaganapan ng buhay ng tao. At isa sa pagsasaganap na magkaroon ng kaganapan ng buhay ang tao ay ang kanyang pagpapagaling ng mga maysakit.
Ang pagpapagaling ng maysakit ang ginagawa ni Bb. Lawrencia "Ladie" T. Coronel isang dating nurse na nagtrabaho ng 10 taon sa United States, kumuha sa Taiwan ng limang taong kurso sa tradisyonal na Chinese medicine, at ngayoy may tatlong klinika sa Metro Manila at nagpapagaling sa paraan ng nerve therapy. At isa ako sa mga napagaling niya. Sa katunayan, sa loob ng 20 taon, ako ay umiinom ng mga gamot upang bumaba at panatilihing mababa ang presyon, upang mapasigla ang aking puso at maisaayos ang aking pangkalahatang kalusugan. Salamat sa Diyos at sa pamamagitan ng nerve therapy, hindi ko na kinailangan pang inumin ang mga mamahaling gamot upang akoy maging malusog at masigla.
Naging instrumento rin si Ladie na magkaroon ng alternatibong paraan ng pagpapagaling ng kanilang mga sakit ang aming mga base groups sa Isla ng Alabat, Quezon. Sa naturang lugar, nagdaos ng espesyal na pagsasanay si Ladie para sa kaaniban ng aming samahang AKKAPKA-CANV tungkol sa nerve therapy, at paggamit ng mga halaman at mga bagay-bagay sa kalikasan na matagal nang ginagamit ng ating mga ninuno sa panggagamot at pagpapagaling. Ang naturang pagsasanay ay inorganisa ng aming mga staff sa pamumuno ng aming Director na si Dr. Tess Ramiro at nina Lito Magat, Sanny Tuazon, Reniel Aquino, Willy Manaog at Sherwin Lazar.
Pagkatapos ng pagsasanay, si Ladie at iba pang tagataguyod ng alternatibong paraan ng pagpapagaling ay nagdaos ng libreng konsultasyon, gamutan at pagpapagaling sa mga mamamayan ng munisipalidad ng Alabat at Perez, sa naturan ding Isla. May 250 katao na may ibat ibang sakit, hindi pa kasama ang mga di-nagpatala, ang natulungan kapwa mga bata at mga matatanda, mula sa mga may sakit sa mata, lalamunan, may mga pilay, may rayuma, sakit sa baga, hanggang sa mga batang may cerebral palsy.
Sa pamamagitan ng kolum na ito, nais kong pasalamatan hindi lamang si Ladie Coronel, kundi pati na rin sina Dr. Ramon Halum isang EENT Specialist Gng. Myrna Belen at G. Eduardo Macapagal sa kanilang walang-sawang paglilingkod at pagtulong sa mga maysakit upang maibsan at mapagaling ang kanilang mga karamdaman. Sa kanilang gawain, pinapatunayan nila na ang paghahari ng Diyos ay nasa sa mga taong naghahanap ng kalutasan sa karaingang pangkatawan ng mga tao, tungo sa kaganapan ng buhay.
Sa mga nagnanais na kumunsulta o magpatingin sa paraan ng nerve therapy, ang nerve therapist na si Bb. Ladie Coronel ay matatagpuan sa 341 Umali Street, Poblacion, Muntinlupa City. May klinika rin siya sa Greenhills, San Juan at sa Makati. Tel Nos. 862-2153; 0916-281-3972.
Ang pagpapagaling ng maysakit ang ginagawa ni Bb. Lawrencia "Ladie" T. Coronel isang dating nurse na nagtrabaho ng 10 taon sa United States, kumuha sa Taiwan ng limang taong kurso sa tradisyonal na Chinese medicine, at ngayoy may tatlong klinika sa Metro Manila at nagpapagaling sa paraan ng nerve therapy. At isa ako sa mga napagaling niya. Sa katunayan, sa loob ng 20 taon, ako ay umiinom ng mga gamot upang bumaba at panatilihing mababa ang presyon, upang mapasigla ang aking puso at maisaayos ang aking pangkalahatang kalusugan. Salamat sa Diyos at sa pamamagitan ng nerve therapy, hindi ko na kinailangan pang inumin ang mga mamahaling gamot upang akoy maging malusog at masigla.
Naging instrumento rin si Ladie na magkaroon ng alternatibong paraan ng pagpapagaling ng kanilang mga sakit ang aming mga base groups sa Isla ng Alabat, Quezon. Sa naturang lugar, nagdaos ng espesyal na pagsasanay si Ladie para sa kaaniban ng aming samahang AKKAPKA-CANV tungkol sa nerve therapy, at paggamit ng mga halaman at mga bagay-bagay sa kalikasan na matagal nang ginagamit ng ating mga ninuno sa panggagamot at pagpapagaling. Ang naturang pagsasanay ay inorganisa ng aming mga staff sa pamumuno ng aming Director na si Dr. Tess Ramiro at nina Lito Magat, Sanny Tuazon, Reniel Aquino, Willy Manaog at Sherwin Lazar.
Pagkatapos ng pagsasanay, si Ladie at iba pang tagataguyod ng alternatibong paraan ng pagpapagaling ay nagdaos ng libreng konsultasyon, gamutan at pagpapagaling sa mga mamamayan ng munisipalidad ng Alabat at Perez, sa naturan ding Isla. May 250 katao na may ibat ibang sakit, hindi pa kasama ang mga di-nagpatala, ang natulungan kapwa mga bata at mga matatanda, mula sa mga may sakit sa mata, lalamunan, may mga pilay, may rayuma, sakit sa baga, hanggang sa mga batang may cerebral palsy.
Sa pamamagitan ng kolum na ito, nais kong pasalamatan hindi lamang si Ladie Coronel, kundi pati na rin sina Dr. Ramon Halum isang EENT Specialist Gng. Myrna Belen at G. Eduardo Macapagal sa kanilang walang-sawang paglilingkod at pagtulong sa mga maysakit upang maibsan at mapagaling ang kanilang mga karamdaman. Sa kanilang gawain, pinapatunayan nila na ang paghahari ng Diyos ay nasa sa mga taong naghahanap ng kalutasan sa karaingang pangkatawan ng mga tao, tungo sa kaganapan ng buhay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended