^

PSN Opinyon

Mabisang medical advice (Una sa 2 bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
DAGSA ang tawag sa Bantay Kapwa ng mga nagtatanong at humihingi ng karagdagang ulat sa non-invasive surgery na Jade Nano-Cera Mattress. Marami rin ang sumulat at nagpasalamat sa paglalathala ng Pilipino Star NGAYON sa tinaguriang "miracle mat".

Ayon kay Allan Bernardo Uy, 60, ng Nasugbu, Batangas, isa siya sa napagaling ng mga Doktor ng Alternative Medical Foundation sa Sta. Teresita General Hospital sa Quezon City. Mula noong 2001 ay meron na siyang chronic pulmonary obstruction disease. Nahirapan siyang huminga, hindi makatulog at walang ganang kumain. May diperensiya rin ang prostate niya. Nang mabasa niya sa PSN ang tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress ay kaagad siyang lumuwas at nagpatingin sa klinika nina Dr. Romy Ortega at makaraan ang ilang gamutan ay nakadama siya ng ginhawa. Hindi na siya nahihirapang huminga at nakakatulog na ng mahimbing at magana na ring kumain. Ang prostate niya ay bumuti na rin at hindi na siya nahihirapang umihi.

Si Melissa Sebastian, 55, ng Muntinlupa ay matagal nang iniinda ang sobrang sakit ng likod. Sa tulong ng isang kaibigan na regular subscriber ng PSN ay nagsadya sila sa klinika nina Dr. Orteza at nalaman niya na may chronic low back pain na tinatawag na drug lumbar spondylosis. Makaraan ng ilang session ay nakadama ng ginhawa si Melissa. Malapit nang umuwi ang kanyang mister mula sa Saudi Arabia at bibili na sila ng Jade Nano-Cera Mat na magagamit ng kanilang pamilya.

Sa mga gaya nilang nabiyayaan at nagpapatotoo ay pinapayuhan nila ang mga may iba’t ibang karamdaman na tumawag sa 7438767 at 0917-9191666.

vuukle comment

ALLAN BERNARDO UY

ALTERNATIVE MEDICAL FOUNDATION

BANTAY KAPWA

DR. ORTEZA

DR. ROMY ORTEGA

JADE NANO-CERA MAT

JADE NANO-CERA MATTRESS

PILIPINO STAR

QUEZON CITY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with