^

PSN Opinyon

Expert pala si SPO1 Capungcol sa pasugalan at putahan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BAKIT masyadong malakas si SPO1 Ernesto Capungcol sa bagong upo na NCRPO chief na si Dir. Ricardo de Leon? Kasi nga mga suki, kahit kaliwa’t kanan na ang bagyo na hinaharap ni Capungcol eh hindi siya binibitawan ni de Leon bilang opisyal na kolektor niya ng lingguhang intelihensiya sa jueteng at iba pang pasugalan, putahan at nightclubs. Ibig bang sabihin nito may basbas ni de Leon itong pag-iikot ni Capungcol? Sa totoo lang, magulo ang tabakuhan sa kasalukuyan dito sa Metro Manila dahil dito kay Capungcol na hindi kayang sagutin ang mga jueteng lords at mga may-ari ng establisimiyento kapag may bulilyaso sila. Ang ibig kong sabihin, may intelihensiya sila pero walang magawa si Capungcol kapag nahuli sila, he! he! he! Totoo ba na si Capungcol ang financier sa pagpagawa ng bahay ng isang opisyal diyan sa NCRPO? May alam kaya dito si Supt. Rogelio Damaso, ang hepe ng NCRPO intelligence?

Si Capungcol ay dating Makati police at nakatira sa Pembo sa Makati City. Ang linya nito noon ay bangketa ng mga nahuhuling drug addicts at pushers at doon kumita siya ng limpak-limpak na salapi, anang sumulat sa akin. Pero nang lumipat siya sa RISOO ay biglang nagkaroon siya ng kaalaman sa jueteng, iba pang pasugalan at mga nightclub at putahan. Kaya kung ang pagkakitaan sa southern Metro Manila ang itanong mo kay Capungcol, tiyak kilala niya kahit manlulupa pang kapitalista, he! he! he! Expert pala sa SPD si Capungcol kung pasugalan at putahan ang pag-uusapan.

Kaya nang pumasok sa NCRPO itong si de Leon, agad nakapag-isip si Capungcol na magpasiklab. Hinikayat niya si de Leon, Damaso at iba pang bagong upong opisyal na siya na ang gagawing kolektor ng intelihensiya nila. ‘Ika nga kung may Capungcol sa NCRPO, may Sr. Insp. Rene de Jesus naman sa WPD, di ba mga suki? Pero imbes na maging tahimik ang tabakuhan sa Metro Manila tulad ng ginawa ni de Jesus sa Maynila, eh lalong nagulo ito sa ngayon, anang sulat na natanggap natin. At si Capungcol ang sinisisi ng sumulat sa akin dahil hindi naman daw nito kabisado ang CAMANAVA, EPD, Maynila at CPD. Eh ano ang ginagawa nina SPO4 Tom Bio, Maj. Hernandez, alyas Nardo at iba pa?

Habang masaya si Capungcol, marami naman sa kanyang kasama sa NCRPO ang nagagalit sa kanya. Siguro hindi sila makaporma o nawala ang orbit nila, di ba mga suki? Maliban sa maraming kolektor na kinuha si Capungcol, kaya nagkagulo ang tabakuhan, humihingi rin siya ng particular o pangsarili sa mga jueteng lords kaya’t lalong lumaki ang kanilang intelihensiya, he! he! he! Kaliwa’t-kanan ang kalaban ni Capungcol sa ngayon ah! Baka naman may gustong sumulot lang dito sa puwesto ni Capungcol, di ba mga suki? Pero, kung ang patuloy na pag-iikot ni Capungcol ang gagawing basehan, ibig sabihin nito Gen. de Leon Sir, buhay ang jueteng at iba pang pagkakitaan sa Metro Manila. Abangan!

vuukle comment

CAPUNGCOL

ERNESTO CAPUNGCOL

KAYA

LEON SIR

MAKATI CITY

MAYNILA

METRO MANILA

PERO

ROGELIO DAMASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with