^

PSN Opinyon

Pati kapwa-pulis kinokotongan

SAPOL - Jarius Bondoc -
GRABE itong PNP Finance Center, pati kapwa-pulis ay kinokotongan. Natuklasan ito ng libu-libong police officers na umuutang sa AFPSLAI (Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc.).

Buwan-buwan, kinakaltasan ng FC ang sahod ng officers na nag-salary loan sa AFPSLAI. Dapat nire-remit ng FC sa AFPSLAI ang kinaltas na mahigit tig-P5,000 kada buwan, o milyun-milyon kung susumahin lahat. Pero nu’ng Disyembre, hindi nag-remit ang FC sa AFPSLAI. Sa di pa maipaliwanag na dahilan, Nobyembre ito huling nag-remit nu’ng 2002 at nag-resume nu’ng Enero 2003.

Apat na beses nang sumulat ang AFPSLAI sa FC na ibigay na ang overdue remittance. Walang kibo ang FC. Lumabas ang anomalya nang umutang muli ang police officers. Sa gulat nila, kinaltas ng AFPSLAI sa bagong loan ang perang inipit ng FC nu’ng Disyembre. Kuwenta dalawang beses silang naghulog para sa buwan. Sila ang pinarusahan ng AFPSLAI dahil sa pangdididal ng FC. Mas masaklap, pinatawan sila ng AFPSLAI ng multang 17.13% interes sa overdue amount. Aray!

Nu’ng una, may sariling PNP Savings and Loan Association ang mga pulis. Pero puro anomalya ito, kaya pinasya ng mga nakatataas na isama na lang ang pulis sa AFPSLAI. Ang dating Armed Forces of the Phil. SLAI ay naging Armed Forces and Police SLAI. Pero ngayon, pati ang matagal nang AFPSLAI ay binaboy na rin ng FC.

Saan napunta ang buong halagang kinaltas sa libu-libong pulis nu’ng Disyembre? Dapat imbestigahan ito ni PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane. Dapat parusahan ang mga umipit sa remittances, na naging sanhi sa dobleng paghulog sa utang ng officers nu’ng Disyembre.

Aba, teka, ano ito? Kapapasok pa lang ng tip na ang Phil. Army din pala ay pumaltos ng isang buwang remittance - kaya pati mga sundalo ay pinaparusahan din ng AFPSLAI. Nahawa na yata sa PNP.
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

vuukle comment

AFPSLAI

ARMED FORCES AND POLICE

ARMED FORCES AND POLICE SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION INC

ARMED FORCES OF THE PHIL

DAPAT

DISYEMBRE

FINANCE CENTER

HERMOGENES EBDANE

LINAWIN NATIN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with