^

PSN Opinyon

Si Cory, gubat at 5 lalaki

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SA okasyon ng ika-17 anibersaryo ng Pilipino Star NGAYON, ang inyong lingkod ay naghanda ng isang espesyal na artikulo para sa buong linggong selebrasyon ng PSN.

Kaya’t para sa inyo lamang, narito ang detalyadong nangyari kay Ms Cory Quirino, isang TV host, socialite, celebrity at ngayo’y isa ng Crime Crusader. Sama-sama po nating basahin ang dinanas ni Cory sa kamay ng limang kriminal at mamamatay tao. Sept 23, 1995 - Alas siyete ng umaga, umalis si Cory sa kanyang tahanan kasama ang driver na si Panfilo Carugay at ang super alalay na si Helen Salaver. "Be back home after dinner," she wrote a note to Tamiya (ang kanyang anak na tulog pa, nang siya’y umalis). Nagtungo na si Cory kasama ang driver at si yaya Helen patungong Caliraya.

Pagkatapos ng isang mahaba at makabuluhang araw sa Caliraya, naisipan na ni Cory na bumalik. Sumakay siya sa isang bangka kasama si yaya Helen patungo sa parking lot kung saan nandun nakaparada ang kanyang kotse. Doon sa parking lot nakita niya yung drayber, si Tatang. Si Yaya Helen, si Cory at si Tatang ay sumakay sa kotse. "Nakaramdam ako na merong sumusunod na tao sa aking likuran subalit hindi ko ito pinansin. Sumakay kami sa kotse at umalis sa parking lot ng Caliraya," pahayag ni Cory. Hindi pa sila nakakalayo ng limang minuto, napakabilis ng mga pangyayari. Hinarang ng isang pulang Toyota Corolla ang kanilang sasakyan. Apat na armadong lalaki ang kinalabog ang kanilang sasakyan. "Buksan ang pinto," tinakot yung drayber na buksan ang pinto. Binuksan ni Panfilo Carugay pati na rin ni Yaya Helen. Wala na ring nagawa si Cory kundi sumunod. Malakas ang kabog ng puso ni Cory subalit inihanda niya ang kanyang sarili sa anumang mangyayari. "Ang posas, dalian mo." Mga salitang hanggang ngayon naalala pa rin ni Cory. Pinosasan si Tatang. Isa sa grupo ang nagmaneho ng sasakyan ni Cory. Makalipas ang di kalayuang distansya, isang lalaki ang hinintuan at isinakay sa kotse. Ito ang nagpakilalang lider ng grupo, si Kumander Joey.

"Maitim siya, may bigote, makapal ang buhok at malago at magulo ito. Nakasuot siya ng army uniform. Naka-loafers at itim na shorts. Ang edad ay nasa mga lampas bente anyos lamang. Mura siya nang mura sa gobyerno. Tiningnan niya ako at sinabing "Ang pera mo nasaan? May alahas ka ba?" Hinawakan niya ako sa leeg at hinaplos ito kung may kuwintas akong suot. Nandiri ako, nanginig ang buong kalamnan. Naalala ni Cory na nakuha sa kanya ang kanyang jewelry, ang kanyang relo at isang diamond ring. Kinalkal din nila ang kanyang bag at kinuha ang kanyang bracelet at isang pares na hikaw.

Nakakuha si Cory ng lakas ng loob na itanong kung saan sila dadalhin. Sinagot siya ni Kumander Joey na sa kampo daw kung saan ipagpapatuloy ang pagtatanong. Maaaring namamanmanan siya nung grupo na nag-shooting siya para sa kanyang programa kaya yung tao na nakaupo sa kaliwa ni Cory, si Kumander Joey siya. "Nalintikan na tayo, kung reporter ito, anong gagawin natin sa kanya?" Dito natakot at naluha si Cory at nagmakaawa siya sa kanyang kidnappers, "Maawa kayo. Huwag n’yo kaming papatayin."

Habang nasa kotse at tumatakbo sila, ilang ulit nilang sinasampal si Tatang. Pagkatapos ng ilang oras huminto ang kotse matapos makadaan sa mga zig-zag road, Pagbilao Quezon, Bitukang Manok sa Quezon National Park alas otso’y media na ng gabi. Kinaladkad nila si Tatang habang kami ni yaya Helen ay naiwan sa loob. Naisip din ni Cory na tumakas kasama si yaya Helen. Subalit saan siya makararating sa isang bundok na hindi siya pamilyar kaya nagpasya siya na mag-antay ng mas magandang pagkakataon. Sa puntong ito, nakarinig si Cory ng isang putok na umaalingawngaw at gumambala sa katahimikan at kadiliman ng gubat. Si Tatang! Agad naisip ni Cory ang drayber na si Tatang. Pinilit ni Cory na tanungin ang kanyang bantay. Sinagot siya nito na nakangiting sinabing, "‘Wag kang mag-alala, Susunod ka na." Takot ang bumalot kay Cory subalit nilakasan niya ang kanyang loob. Dagdag pa ng kanyang bantay, "Sumunod ka lamang sa lahat ng gusto namin. Ang kulit mo, tanong ka nang tanong."

Napatahimik na lamang si Cory. Walang anumang dahilan, bigla na lamang sinuntok sa tiyan si Cory. Namilipit siya sa sakit. Sinuntok siya uli ng isa pang beses at naramdaman niyang babagsak siya kung hindi siya kumapit sa malapit na puno.

"Ano takot ka na ba?"

"Opo," was all Cory could answer to. Kinaladkad nila si Cory at yaya Helen sa gitna ng gubat.

Abangan sa Miyerkules, March 19, 2003, dito lamang sa CALVENTO FILES ang mga susunod na detalye ni Ms. Cory Quirino sa mga kamay ng limang kriminal. Tampok natin para sa ika-17 annibersaryo ng Pilipino Star NGAYON. Para sa anumang comments at reaksyon. Maaari kayong mag-text sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa 7788442.

vuukle comment

CALIRAYA

CORY

HELEN

ISANG

KANYANG

KUMANDER JOEY

PANFILO CARUGAY

SIYA

TATANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with