^

PSN Opinyon

Nagpapatawa ang Abu Sayyaf

- Al G. Pedroche -
UMAMIN ang Abu Sayyaf sa kahambal-hambal na pagbomba sa Davao City Airport na kumitil sa buhay ng may 20-inosenteng sibilyan at ikinasugat ng daang iba pa.

Ang nakatatawa, nag-sorry pa ang isa sa mga leader ng Abu na si Hamzi Raji Salih sa pagkakadamay ng maraming sibilyan sa insidente. Hindi raw nila intensyong magdamay ng inosenteng buhay. Layunin lang daw nila na ibagsak ang ekonomiya. Purely destabilization daw. Ang dahilan – galit sila sa pamahalaan. Nais lang daw nilang takutin ang mga investors sa pagpasok sa anumang negosyo sa bansa.

Hindi nila layuning pumatay? Ano ba sa tingin nila ang mangyayari kung maibabagsak nila ang ekonomiya? Maraming magugutom, magkakasakit at mamamatay na mamamayan. Marami ang susubo sa masasamang gawain para may makain.

Mabuti-buti pa nga ang kalagayan ng mga agad na namatay dahil wala nang problema ang mga ito. Pero ang balak nilang destabilization ay unti-unting papatay sa mamamayan sa paraang walang kasing-sakit.

Nagpapatawa si Salih nang sabihing hindi layunin ng Abu ang pumatay. Pati nga mga inosenteng sibilyan kasama na yaong nagpapalaganap sa Salita ng Diyos ay kinikidnap nila at pinapatay. Ang iba’y pinupugutan pa ng ulo. Ang ibang kababaihan ay ginagawang sex slave.

Gusto bang palitawin ni Salih na sila’y maka-Diyos at ang pangwawasak na ginagawa nila’y makatuwiran basta’t walang nadadamay na buhay? Sabi pa niya, ang orihinal na plano ay pasabugin ang bomba sa gabi o madaling-araw para huwag madamay ang sinumang tao.

Dagdag niya, ang mga elemento ng Abu na sangkot sa pumalpak na plano ay nasa kamay na nila at takdang patawan ng kaparusahan na posibleng bitay, alinsunod sa itinatakda ng batas ng Islam. Walang matinong Muslim na naniniwala sa katuruan ng kanyang relihiyon ang sasang-ayon kay Salih.

Ayon sa mga awtoridad, sa kabila ng pag-aming ito ng Abu, hindi pa rin nila isinasaisantabi ang pagkakasangkot ng ibang grupo sa bombing tulad ng MILF. Posible. Posibleng ang pag-amin ng Abu ay upang ipakita sa pamahalaan na sila’y may natitira pang lakas taliwas sa paniniwala ng gobyerno na unti-unti na silang nanghihina.

vuukle comment

ABU

ABU SAYYAF

ANO

AYON

DAVAO CITY AIRPORT

DIYOS

HAMZI RAJI SALIH

NILA

SALIH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with