^

PSN Opinyon

Pera ng simbahan kinukurakot diumano ng bading na pari

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang inirereklamo ngayon ang isang parish priest sa isang simbahan sa Metro Manila dahil kinukurakot diumano nito ang pera ng simbahan?

Ayon sa aking bubuwit, 68 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Manong Neal Cruz, Annie Urbano, Waldy Urbano, Joseph Geocado, Grace Bendicion, Donald Astronomo, at Mr. Joseph Lau ng McDonald’s Philippines.
* * *
Alam n’yo bang inirereklamo na ang isang parish priest ng kanyang parokya dahil sa mga anomalya?

Ayon sa aking bubuwit, ang raket ni Sister este Father ay ang pagpapa-repair kunwari sa kanilang simbahan. Nakikita kasi ni Father na nasa construction ang pera. Kasi meron pala itong komisyon sa bawat construction o project.

Ang tindi mo Sister este Father!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung ano ’yung mga ipinundar ng pinalitan niyang pari ay sinisira naman ngayon ni Sister este Father. Kunwari ay pagagandahin daw, pero ang motibo ay para makalikom ng malaking donasyon sa mga mayayamang negosyante at para magkaroon ng komisyon mula sa contractor.

Ang tindi mo Sister este, Father! Dapat yata sa iyo ay ipako sa krus.

Katulad na lamang ng grotto ng Lourdes sa kanilang simbahan, maayos naman pero ito ay kanyang ipinagiba.

Ipinagiba rin niya ang dalawang school building na nagkakahalaga ng ilang milyon samantalang maayos pa naman.

Heto na kamo, naubos ang pondo kaya tigil din ang construction ng ipinagibang gusali.

Ayon sa aking bubuwit, kahit malaki ang nalilikom na donasyon, ito ay nauubos dahil maluho si Father.

Miyembro kasi ng federasyon si Sister este si Father kaya ang dami nitong kaartehan. Madalas siyang mag-abroad at ang gastos ay mula sa donasyon. Kapag nag-birthday ay bongga rin.

At dahil maluho si Sister… este Father pala, ang kinakaibigan ay mga rich para makahingi ng malaking donasyon.

Dati ay kaibigan din niya ang isang contractor subalit ngayon ay magkagalit na dahil may utang pala si Father na P15 million.

Ayon sa aking bubuwit, ang parish priest na bading na inirereklamo na ng kanyang parokya ay walang iba kundi si Sister este Msgr. M. as in Manay ng Ilog Pasig.

vuukle comment

ANNIE URBANO

AYON

DONALD ASTRONOMO

ESTE

FATHER

GRACE BENDICION

ILOG PASIG

JOSEPH GEOCADO

MANONG NEAL CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with