^

PSN Opinyon

Katarungan ang hanap ng Bentain family

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Umalis na ng bansa ang buong Bentain family. Umalis na walang linaw kung kailan mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanilang anak na si Edgar. Naunsiyami sila sa pamahalaan lalo kay Justice Sec. Nani Perez na walang ginawang paraan para mapabilis ang paghanap ng katarungan. Si Edgar Bentain ang dating Pagcor employee na nawala noong 1999. Siya ang nagpalabas ng video ni dating President Estrada habang nagsusugal sa casino. Dahil kay Edgar kaya naibunyag ang bisyong sugal ni Estrada at kanyang mga kaibigan at isa rito si Atong Ang.

Sinabihan noon ni President Gloria Macapagal-Arroyo si Secretary Perez na gumawa ng paraan para malutas ang kaso ni Edgar. Kaharap pa ako gayundin sina Edcel Bentain, kapatid ni Edgar; Lauro Vizconde at Atty. Argee Guevarra nang atasan ni GMA si Perez.

Nabuhayan ng loob ang Bentain family sa paglutang ni Angelo "Ador" Mawanay at nagpahayag ng kanyang nalalaman ukol sa pagdukot at pagkawala ni Edgar. Itinuro ni Mawanay si dating PAOCTF Chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson na nag-utos umano sa pagdukot at pagpatay kay Edgar. May kaugnayan umano ang pagdukot sa pagpapalabas ng videotape ni Erap. Lumutang din si Dani Devdani, isang Indian national at nagsabing si Atong Ang at Butch Tenorio ang may kinalaman sa pagkawala ni Edgar.

Wala na ba talagang kalutasan ang kaso ni Edgar? Hanggang kailan maghihintay at aasa ang kanyang pamilya? Tinatawagan ko ang mga kinauukulan na lutasin ang kasong ito upang magkaroon na ng katarungan.
* * *
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected]. O tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21, telefax no. 525-6277. DZRJ, 810 khz sa tel. no. 894-2370 at 894-2320, telefax 894-2360 tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 hanggang 10 ng umaga.

vuukle comment

ARGEE GUEVARRA

ATONG ANG

BENTAIN

BUTCH TENORIO

DANI DEVDANI

EDCEL BENTAIN

EDGAR

JUSTICE SEC

LAURO VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with