^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tutukan ang anomalya sa SSS

-
Nagkaroon ng "people power" sa Social Security System (SSS) may dalawang linggo na ang nakararaan at napatalsik si Vitaliano Nañagas. Si Nañagas umano’y arogante, hindi maka-mahirap at walang alam sa pagpapatakbo ng naturang tanggapan kaya "hinatak" palabas ng mga matataas na opisyal ng SSS at empleado. Ipinalit ni President Gloria Macapagal-Arroyo si Corazon de la Paz bilang bagong president ng SSS. Pero kahit naalis na si Nañagas ay marami pa ring sumisingaw na baho sa SSS. Mas mapanghi pa.

Ang pinakabagong anomalyang sumingaw sa SSS ay ang P330 milyong "Christmas expenses" noong 1999 at 2000. Nakalulula ang laki! Maging si Surigao Rep. Robert Ace Barbers ay nagulat sa napakalaking ginastos ng SSS. Dapat aniya itong imbestigahan sa lalong madaling panahon sapagkat ang nakasalalay ay ang kapakanan ng mga miyembro ng SSS. Ayon kay Barbers, okey lamang kung sa mga rank and file ng SSS napunta ang malaking perang ito subalit kung sa mga "matatabang pusa" nararapat itong kalkalin.

Maraming "matatabang pusa" sa SSS na nakikinabang sa pera ng mga miyembro. Habang namumutiktik ang kanilang bulsa sa laki ng kanilang sahod at iba’t ibang allowances, kakatwa namang may mga naaatrasadong bayad sa kapiranggot na pension ng mga miyembro. Mayroon pang mga miyembro na nagrereklamo sa umano’y mabagal na proseso ng kanilang salary, emergency o housing loan at marami pang iba.

Ang anomalyang sumingaw ay nararapat tutukan. Ang ganitong anomalya ang nararapat isinigaw sa ginawang "people power" sa SSS. Subalit lumalabas na sa pansariling interes lamang ang nangyaring "people power" at hindi para sa kapakanan ng mga nakararaming miyembro. Hindi ba’t ang sama-samang lakas ay ginagawa para baguhin ang masamang sistema at ilantad ang kabulukan na matagal nang isinusuka. Tila hindi ganito ang nangyari sa SSS.

Si dating President Joseph Estrada ay sangkot sa nangyaring katiwalian sa SSS na isang dahilan kung bakit siya napatalsik sa puwesto. Inakusahan si Estrada nang paggamit sa pera ng SSS para ipambili ng share sa isang gaming corporation. Ginawa ito sa pamamagitan ni dating SSS president Carlos Arellano. Nang gawin ito ni Estrada ay bakit walang lumutang para mag-‘‘people power’’ at tutulan ang katiwalian. Bakit umurong ang buntot ng mga SSS officials at mga empleado?

Kalkalin ang anomalya sa SSS at pangunahan ito ng mga mambabatas upang malaman ng mga miyembro ang tunay na nangyayari sa pinaghirapan nilang pera. Huwag na itong patagalin pa.

vuukle comment

CARLOS ARELLANO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

ROBERT ACE BARBERS

SI NA

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

SURIGAO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with