^

Metro

Trader bulagta sa tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trader bulagta sa tandem
Idineklarang dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Cherry”, 42, may live-in partner, isang landlady at residente ng Central Avenue, Barangay Culiat, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 42-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Que­zon City.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Cherry”, 42, may live-in partner, isang landlady at residente ng Central Avenue, Barangay Culiat, Quezon City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon­ City Police District (CIDU-QCPD), alas-8:40 ng umaga kahapon ng mangyari ang pamamaril sa Alley 6, Brgy. Project 6, sa nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina PMSg George Caculba at PCpl Benito Catungal, sakay ang biktima ng kanyang Yamaha NMax na motorsiklo na sinusundan ng riding-in-tandem. Nang madikitan ang biktima, agad na pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Tumakas ang mga suspek na kapwa naka­suot ng black helmets, at nakasuot ng dark jacket long-sleeve sakay ng puting Yamaha MIO motorcycle patungo sa Road 3, dala ang armas na ginamit sa krimen.

Nakuha ng SOCO Team mula sa QCPD-FU, ang walong basyo ng bala, apat na deformed na bala, at isa pang live bullet sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with