^

Metro

Website ng Comelec, 400K beses tinangkang i-hack noong Abril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na nasa 400,000 ulit na tinangka ng mga hackers na pasukin at manipulahin ang kanilang website noong Abril.

Sa idinaos na end-to-end demonstration ng mga automated coun­ting machines (ACMs) na gagamitin sa May 2025 National and Local Elections (NLE) sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) headquarters sa Makati City, sinabi ni Garcia na mas marami pang naganap na tangkang hacking incidents sa kanilang website noong Disyembre, na umabot naman sa tatlong milyon.

Nang i-release naman umano nila ang kanilang “precinct finder” noong taong 2022, kung saan matatagpuan ang listahan ng mahigit 65 milyong botante, ay nakapagtala sila ng 35 milyong hacking attempts.

 “Remember po ‘yung Precinct Finder, nandodoon po ‘yung listahan natin. Ganun karami, sapagka’t nandoon ‘yung buong 65 million na listahan ng mga botante natin,” ani Garcia.

Aminado si Garcia na nababahala sila sa dumaraming hacking attempts dahil nananatili pa rin ang posibilidad na isang araw ay magtagumpay na ang mga hackers sa kanilang masamang plano.

Tiniyak naman ni Garcia na gumagawa sila ng mga kaukulang hakbang upang patuloy na mahadlangan ang hacking attempts, sa pamamagitan nang patuloy na pagsasanay, at patuloy na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Samantala, kinumpirma ng Comelec na nakapasa sa isinagawang Hardware Acceptance Test (HAT) nitong Mayo 20 sa isang bodega sa Sta. Rosa, Laguna ang 20 units ng ACMs na unang idineliber ng automated elections systems (AES) provider na Miru Systems para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with