^

Police Metro

Ex-kasambahay ni VP Duterte, hina-harass at tinatakot

Gemma Garcia, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labis na nabahala ang kampo ni Vice President Sara Duterte nang sila umano ay makatanggap ng mensahe nitong gabi ng Nobyembre 16 mula sa account na pinaniniwalaang pag-aari ng isang dating household staff ng bise presidente.

Sinabi ni Atty. Paolo Panelo, humihingi ng agarang saklolo ang dating staff at sinabing nasa kustodiya o kontrol umano siya ng ilang indibidwal na nagbanta sa kanyang buhay.

Idinagdag pa na pinipilit umano siyang lumagda sa isang dokumento ngunit tumanggi siya. Inihalintulad ng kampo ng bise presidente ang insidente sa nangyari kay Jefry Tupas, na ayon sa kanila ay sinabihan umano ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Setyembre 29 na may banta sa kanyang buhay bago umano tangkaing dalhin sa Maynila.

Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na dapat imbestigahan ang naturang kwento kung may katotohan lang dahil walang puwang ang fake news sa kasalukuyang administrasyon.

Anya, hindi gawain sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggawa ng mga intriga at magplantsa ng ebidensya kung saan sanay at hasa ang administrasyong Duterte na kanyang inamin sa harapan ng media.

Sa ngayon buhos aniya ang oras ng pangulo sa pagtatrabaho para sa ikakaunlad ng bansa at sa pagpapatibay ng magandang ugnayan sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with