Sanya, nagpapaka-misis na sa jowang halfie!

Ibinahagi ni Sanya Lopez ang tungkol sa lovelife at sa lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon.
Ayon sa 30-year old Kapuso actress, sa Boracay sila unang nagkakilala ng nobyo sa tulong ng common friend. Noon daw ay may problema siya sa likod. “After no’n, pumupunta na siya sa bahay ko, everyday kung kaya at wala akong trabaho. Pinupuntahan niya ako tapos may dala siya laging flowers,” kuwento niya.
Half-foreigner ang misteryosong nobyo at magkaedad sila. Ilang taon na rin daw ang relasyon nila.
Nilinaw ni Sanya na hindi man siya nagpo-post sa social media, hindi naman niya itinatago ang boyfriend. “Pag makita kami sa labas, hindi ko naman siya itatanggi. Maraming nagta-tag sa akin na nakikita kami together, usually sa ibang bansa.”
Pareho raw nilang ini-spoil ang isa’t isa: “Inii-spoil niya ako. Inii-spoil ko rin naman siya. Sweet din ako, pagluluto ko siya.”
Dagdag pa niya, ipinapakita na niya ang pagiging wife material: “Yung mga bagay na kaya ko bilang babae, kung kami man, as wife na rin sa kanya.”
Caprice, excited sa MMFF
Labis ang pasasalamat at kasiyahan ng Kapuso young actress at A Million Dreams star na si Caprice Cayetano matapos mapabilang sa cast ng Amir, ang fantasy-drama film ng GMA Pictures na kalahok sa 52nd MMFF ngayong taon.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Caprice na ito ang una niyang MMFF movie at may special place ito sa puso niya.
“This film has a special place in my heart. My first MMFF movie,” bahagi ng caption niya.
Dagdag pa niya, hindi na siya makapaghintay na mapanood ng publiko ang pelikula ngayong Kapaskuhan, kasama sila Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Will Ashley, at Argus Aspiras.
Kristin ng sex... binalikan ang maling diet
Ni-reveal ng Sex and the City star na si Kristin Davis na nagkaroon siya ng major body issues noong ginagawa nila ang HBO series sa loob ng anim na season.
Inamin ng 61-year old actress na gumanap sa role na Charlotte York sa SATC, na insecure siya physically dahil magaganda ang katawan ng co-stars niyang sina Sarah Jessica Parker, Kim Cattrall, at Cynthia Nixon.
May isang season daw na ang kinakain lang niya ay ang candy na M&Ms dahil may isang fan ng show na nag-comment na matabang tingnan sa TV si Kristin. “There was a time earlier in the show where you can see my ribs — like I had dieted. It was like later in the season, and it was one of those hot summers, and I just remember I just ate M&Ms,” pag-alala niya.
Na-realize niya na hindi healthy ang kinakain niya at sumobra ang pagpayat niya. Na-concern ang buong cast and crew sa ginagawa nitong pagpapayat. “I don’t know why I didn’t lose my mind or whatever, and like I have no breasts left, like it’s just like bones. What I mean is that I wasn’t eating any real food.
“It wasn’t healthy. And I did go to this acupuncturist one time. He was like, ‘Don’t put that in your mouth.’ And I was like, ‘Why not? It’s all I eat.” tawa pa niya.
- Latest



















