^

Police Metro

Kapansanan, hindi dapat ginagawang ‘punchline’ — Tulfo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Senate Social Justice and Welfare chairman Sen. Erwin Tulfo ang pangu­­ngutya kay Joshua Aquino sa isang podcast ng ‘Machong Chismisan,’ kung saan tina­wag siya na “walang kwenta.”

Isang kabalintunaan na kung sino ang walang kapansanan, sila pa ang tila may kakulangan sa pag-intindi at sensitibidad sa mga pinagdadaanan ng mga persons with disabi­lity (PWD).

Kung nagagawa ito sa mga PWD na mula sa mga kilalang pamilya, paano pa kaya ang diskriminasyon sa mga ordinaryong Pilipino na PWD?

“Hindi ginagawang punchline ang kapansanan. Hindi kasalanan ng isang tao na magkaroon ng kapansanan at walang puwang ang diskriminasyon para sa mga kababayan nating PWD”, wika ni Tulfo.

Aniya, malayo na ang narating ng bayan para sa proteksyon ng mga PWDs. Ngunit, patunay ang insidenteng ito na malayo pa ang tatahakin natin.

Patuloy na isusulong ni Tulfo ang Senate Bill No. 1405 na magtatakdang gawing­ lifetime na ang vali­dity ng PWD ID ng may mga permanenteng kapansanan at Senate Bill No. 1830 o pagbibigay nang mas maayos na access sa mga PWDs sa mga tourism sites.

“Hindi po tayo natatapos sa pagkondena. Patuloy po ang totoong pakikipaglaban natin para sa mas maayos na karapatan ng mga PWD sa bansa”, pagwawakas ni Tuflo.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with