^

Bansa

‘EJK’ sa drug war ni Digong sisilipin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipatatawag ng House Committee on Human Rights ang mga dating opisyal ng gobyerno at pamilya ng biktima kaugnay ng isasagawang imbestigasyon sa Extrajudicial Killings (EJKs) kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., chairman ng komite, kabilang sa mga iimbitahan si dating PNP chief ret. Gen. Oscar ­Albayalde at iba pang opisyal ng ­gobyerno na may direktang papel sa drug war.

Sa anti-drug campaign ni Digong mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2019, libu-libo ang nasawi kabilang ang 122 menor- de-edad, base sa pananaliksik ng grupong World Organization Against Torture (OMCT) at Children’s Legal Rights and Development Center (CLRDC).

Ayon sa grupo, ang mga menor-de-edad ay napatay bilang direktang target, proxy, mistaken identity o napagkamalan at maging collateral damage.

Sinabi ni Abante na hindi na nila iimbitahan si dating Pangulong Duterte at bilang parliamentary courtesy ay hindi na rin kasama sa ipatatawag si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dating PNP chief sa panahon ni Duterte at nagsimula ng drug war.

vuukle comment

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with