^

Pang Movies

Bukod sa TF, napangitan sa script, Gabby kumpirmadong umayaw sa movie nila ni Sharon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

From a reliable source na malapit kay Gabby Concepcion, hindi na raw talaga tuloy ang movie na pagsasamahan sana nila ni Mega­star Sharon Cuneta. Tuluyan na raw nag-back out si Gabby dahil sa mga demand na hindi maibigay sa kanya.

Ang unang problema ay ang script na hindi nagustuhan ni Gabby dahil siya na naman daw ang bad guy sa story.  Gusto raw niya ang comeback movie nila ni Sharon ay feel good movie, dahil 1993 pa ang huli nilang pagtatambal. Matagal daw itong inabangan ng fans kaya gusto niya ‘yung masisiyahan naman sila.

May meeting daw dapat si Gabby with the scriptwriters pero ‘di natuloy kaya inayawan na niya. Wala namang binanggit ang aming source kung magkano ang hinihinging talent fee ni Gabby, ang alam daw lamang niya, gusto ni Gabby pareho sila ni Sharon ng TF na tatanggapin sa movie.

Kahit iyong issue na mataas din daw ang gustong talent fee ni Gabby sa paggi-guest niya sa US concert ni Sharon, wala raw namang nabanggit sa kanya, kaya hindi niya alam kung totoo na may concert si Sharon na special guest niya si Gabby.

Ayon pa sa aming source, magsasalita si Gabby ng kanyang side kung kinakailangan, para maliwanagan ang kanilang fans. Nagpapasalamat din daw si Gabby sa fans nila ni Sharon na patuloy na naghihintay ng comeback movie nila.

Sayang nga lamang na noong bumisita kami sa set ng top-rating afternoon prime time show ni Gabby with Sunshine Dizon, ang Ika-6 Na Utos, ay wala si Gabby dahil nasa second location sila ni Ryza Cenon, kaya hindi namin siya nakausap.  In fairness, busy naman talaga ngayon si Gabby dahil bukod sa Ika-6 Na Utos, may sitcom pa siyang ginagawa, ang Tsuperhero plus busy din siya sa mga mall show in Metro Manila and provinces kapag Sunday para sa kanilang afternoon soap.

Alden mas type na si thea, pahinga muna kay maine?!

Bumisita sa taping ng Destined To Be Yours ang ilang friends namin sa Tagaytay noong isang gabi at inabutan nilang magkasamang nagdi-dinner sina Alden Richards at Maine Mendoza sa set.  After dinner ay umuwi na rin si Maine dahil pack-up na siya at naiwanan si Alden na magti-tape pa raw ng eksena sa gumaganap niyang girlfriend sa teleserye, si Thea Tolentino. Na-excite si Thea nang malamang siya pala ang gaganap na unang girlfriend ni Benjie (Alden) sa soap na nang-iwan dito for another boyfriend.  Pero sa muling pagkikita nila, magkakabalikan sila.

Natatandaan naming noong kasali si Thea sa talent search ng GMA na Protégé hindi niya in-expect na makaka-partner niya sa isang test si Alden. At ngayon, masaya si Thea dahil muli niyang makakasama si Alden sa isang soap.  At okey lamang daw kung may pagkakontrabida muli ang role niya sa DTBY.

 

vuukle comment

SHOWBIZ UPDATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with