^

PSN Showbiz

BINI, magpapa-GV sa GGV

Pilipino Star Ngayon
BINI, magpapa-GV sa GGV
Vice Ganda at BINI

Handang-handa na sa kulitan, tawanan at kantahan ang Nation’s Girl Group BINI kasama ang Phenomenal Unkabogable Superstar Vice Ganda para sa kanilang inaabangang two-part GGV debut na mapapanood ang kanilang unfiltered harutan sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered exclusively sa iWant ngayong Nobyembre 15 at 22.

Kakaibang Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena ang masasaksihan ng mga manonood sa kanilang GGV debut. Bukod sa pagbabahagi ng kani-kanilang unforgettable moments bilang grupo, hindi rin sila magpapahuli sa mga hiritan nina Vice at ng kanyang Geng Gang.

Kasabay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng BINI para sa pagtatapos ng kanilang Signals World Tour na gaganapin ang final show nito sa Taipei ngayong Nobyembre 15.

Abangan ang uncut at unfiltered kulitan nina Vice at BINI sa Gandang Gabi Vice: Unfiltered two-part special simula ngayong Linggo, 11 p.m. sa iWant.

Mapapanood ang mga unfiltered episode nito sa pamamagitan ng iWant subscription plan sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with