^

Police Metro

Good Conduct Time Allowance, isusulong sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang pabilisin ang proseso at pag-apruba ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ay nag­hain si Senator Loren Le­garda ng Senate Bill No. 2584.

Sa ilalim ng Senate­ Bill No. 2584 ay ga­ga­wing­ mas mabilis ang pag­pro­seso ng GCTA nang hindi binabago ang mga umiiral na kondisyon at pamantayan ng batas.

Sa panukalang batas, bibigyan ng kapangyarihan ang mga Superinten­dent ng BuCor, kabilang­ ang mga opisyal na itinalagang Acting Superintendent, na mag-apruba ng GCTA batay sa beripikadong mga rekord at nakasulat na rekomendas­yon ng Management, Screening and Evaluation Committee ng kanilang pasilidad.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangang idulog sa Director General ang bawat aplikasyon para sa GCTA na inaasahang mapapabilis nito ang pagproseso habang nananatili ang pangangasiwa ng BuCor Central Office.

Upang maiwasan ang mga iregularidad, itinatakda rin ng panukala na dapat mapagpasiyahan ang mga kumpletong rekomenda­­s­yon sa loob ng 15 araw.

Kailangan ding tiyakin ang tamang pagkalkula ng sentensiya, regular na pagsusumite ng mga ulat, at pana-panahong pagsusuri ng mga naaprubahang GCTA.

May nakasaad ding mga parusa laban sa sinad­yang paglabag sa batas, kabilang ang pamemeke ng mga rekord, katiwalian, at ilegal na pagbibigay ng mga bawas sa sentensiya.

PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with