^

Police Metro

3 ‘Maleta Boys’ may bagong warrant!

Ludy Bermudo - Pang-masa
3 ‘Maleta Boys’ may bagong warrant!
Levito Baligod
STAR / File

Matapos magpiyansa

MANILA, Philippines — Matapos makapaghain ng piyansa, tatlo sa apat na tinaguriang “Maleta Boys” ang bumalik sa San Juan City Police Station nitong Sabado upang boluntaryong sumuko dahil sa panibagong arrest warrant na inilabas ng korte laban sa kanila.

Nitong Biyernes nang maglagak ng piyansa at palayain si Atty. Levito Baligod at apat sa 14 na dating bodyguards ni dating Rep. Zaldy Co kaugnay sa warrant of arrest sa kasong unjust vexation na inisyu ng Iba, Zambales court. Ang 10 pang bodyguards ay nananatiling nakakulong. Nabatid na habang naghihintay ang mga bodyguard ng kanilang paglaya matapos makumpleto ang mga requirements sa paghahain ng piyansa, nang hindi inaasahang dumating naman ang isa pang arrest warrant na nagmula sa Surigao court.

Matatandaang 14 ang orihinal na bilang ng Maleta Boys na nagsasabing sila ang nagdeliber ng male-maletang pera sa ilang personalidad kabilang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., subalit kalaunan, bumaligtad ang apat sa kanila at nag-isyu ng affidavit na hindi totoo ang kanilang mga unang testimonya.

Hindi pa malinaw kung anong kaso ang nakasaad sa warrant of arrest na nagmula sa Surigao.  

BOYS

MALETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with