^

PSN Showbiz

Wilbert at Bea, level-up na ang loveteam

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Wilbert at Bea, level-up na ang loveteam
Wilbert Ross at Bea Binene
STAR/ File

Pinatunayan ng bagong loveteam ng Viva, ang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Binene na malakas ang kanilang hatak sa fans.

Hit ang dalawa nilang Wattpad hit series on Viva One, ang Golden Scenery of Tomorrow at Love U Lots maging ang kanilang first movie together, ang Philippine adaptation ng hit Thai movie nung 2013, ang Pee Mak.

Mas matagal na sa showbiz ang singer-actress dahil nagsimula siya as a child actress nang una siyang sumali sa reality talent show ng GMA, ang StarStruck Kids in 2004, kung saan isa siya sa finalists. Naging daan ito upang maging contract talent ng GMA Artists Center (now Sparkle) si Bea sa loob ng 17 taon bago siya lumipat sa Viva.

Si Wilbert naman ay naging contestant ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Sumubok din siyang mag-audition sa Pinoy Boyband Superstar.

Ang buong akala noon ni Wilbert ay wala siyang pag-asang makilala at sumikat kaya muli siyang bumalik sa kanyang hometown sa Davao.

Nang mabalitaan ni Wilbert ang audition for Hashtags ay muli siyang sumubok at mapalad na nakuha this time. Ito ang kanyang naging daan para unti-unti siyang makilala bilang singer at dancer. He was also signed by Star Music, ang record company ng ABS-CBN. But during the pandemic, he opted to move to Viva. Recorded a few singles hanggang maisipan ni Boss Vic na subukan nito ang acting na hindi naman niya inayawan.

Sa bakuran ng Viva na-explore ni Wilbert ang iba niyang talent tulad ng pagpu-produce, pagiging isang director at pagiging isang entrepreneur.

Thankful si Wilbert na unti-unti niyang na-realize ang kanyang mga pangarap sa tulong ng Viva laluna nang pasukin niya ang acting na never niyang inakala na ito’y magiging posible.

Although puwede siyang maka-survive without a loveteam, aminado ang singer-actor na malaki ang naitulong sa kanyang career ang pagkakaroon ng ka-loveteam. Hindi rin niya ikinakaila na magandang influence sa kanya ang singer-actress laluna sa larangan ng pagnenegosyo. Katunayan, they’re business partners sa Sunset Avenue.

Ang nakakatuwa lamang kina Wilbert at Bea, lahat ng kanilang mga plano ay suportado ng kanilang loyal fans na kinu-consider na rin nilang parang kapamilya.

Gian, natural ang acting

Unang acting vehicle ng singer-songwriter,  lead vocalist ng rock band na Cup of Joe (under Viva) at isa sa founders ng grupo si Gian Bernardino at pelikulang Pee Mak pero nang mapanood namin ang movie, napaka-natural niyang umarte na animo’y beterano na siya sa acting.

Horror-comedy ang tema ng Pee Mak kung saan din niya kasama sina Vandolph Quizon, Jairus Aquino, TV Villarama, Candy Pangilinan at Jerome Ponce pero nai-deliver ito with ease ng grupo.

Boss Vic, inabot ang award kay amo

Ang kasalukuyang president ng Vicor Music at COO ng Viva Records at PARI chairman na si G. Antonio M. Ocampo na madalas tawaging AMO base sa initials ng kanyang full name, ang siyang tumanggap ng 2026 Lifetime Achievement Award (Dangal ng Musikang Pilipino) ng Awit Awards, isang pagkilala that he truly deserves.

Ang maganda pa, ang Chairman of Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario, Jr. ang nag-abot sa kanya ng parangal.

Isa si AMO sa mga loyal top executive ng Vicor Music at Viva Records now counting his 57th year in the music business.

BEA

ROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with