Liza, sasabak sa comedy sa Hollywood

Kahit hindi maganda ang resulta ng box-office return ng pelikulang Forgotten Island, may bagong trabaho si Liza Soberano sa Hollywood.
Kabilang siya sa cast ng paparating na comedy audio series ng Audible na The Moons of LA.
Ayon sa article ng Variety, pagbibidahan ito nina Ken Jeong, Randall Park at Daniel Dae Kim na umano’y magtatampok ng isang “meta twist” tungkol sa isang batang na-hook sa mga true-crime podcast at nangangarap maging isang investigative journalist na si Chloe Moon (Abiera).
Nasa Instagram story ni Liza ang tungkol sa nasabing article ng Variety kahapon tungkol sa proyekto.
Makakasama ng mga bida na sina Ken Jeong (Community), Randall Park (Fresh Off the Boat) at Daniel Dae Kim (The Good Doctor) at Liza ang ibang cast na binubuo ng mga Asian American at Pacific Islander (AAPI) – sina Jae Suh Park, Alyssa Abiera, Jimmy O. Yang, John Cho, Sherry Cola at Vivian Bang.
Mag-uumpisa itong mapanood sa Oct. 8 sa Audible.
Anyway, ang sabi nga kahit hindi masyadong maganda ang resulta sa takilya ng nasabing pelikula, may posibilidad daw na matuloy ang Forgotten Island 2.
Ito ang sinabi ng director nitong si Januel Mercado sa isang interview.
Ipinalabas ang Forgotten Island sa mga sinehan noong Sept. 25 at kumita raw ito ayon sa mga online report ng humigit-kumulang $13 million sa unang weekend nito. Habang sinusulat namin ito, ayon sa online reports, ang kabuuang kita nito worldwide ay more than $20 million pa lang.
- Latest

















