^

Metro

Fusion Alley ipasasara ni Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Fusion Alley ipasasara ni Isko
Manila Mayor Isko Moreno
PangMasa / File

Dahil sa reklamong marumi

MANILA, Philippines — Handa umano ipa­sara ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang food hub na Fusion Alley sa Sampaloc, Maynila kung dugyot na ang lugar at nakakaapekto na sa mga residente at estudyante sa lugar.

Ito naman ang tugon ni Domagoso matapos na makatanggap ng reklamo hinggil sa maduming lugar kung saan ipinatawag nito ang mga vendors at stall owners upang bigyan linaw ang isyu.

Ayon kay Domagoso, hindi siya magdadalawang isip na ipasara ang lugar kung mapapatunayang marumi ito at nakakaabala na sa mga residente at mag-aaral.

Tiniyak din ng alkalde na hindi niya binabalewala ang reklamo ng iilan kasabay ng paalala sa mga tindero na panatilihing malinis ang lugar at iwasan ang sobrang ingay upang hindi makaperwisyo sa mga residente at mga estudyante sa paligid.

Inatasan din ni Domagoso ang Department of Environment and Public Services (DEPS) na mas maagang kolektahin ang mga basura sa lugar.

Ang Fusion Alley ay binubuo ng dose-dosenang street food vendors at maliliit na negosyo, na ang ilan ay dating nagtitinda sa Ugbo food bazaar sa Tondo.

Sinabi naman ng mga vendor na ginagawa nila ang lahat upang mapanatiling malinis ang kanilang mga puwesto, sa tulong na rin ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod na regular na nagsasagawa ng paglilinis sa lugar.

ISKO

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with