^

Metro

1,156 PDLs pinalaya ng BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1,156 PDLs pinalaya ng BuCor
Isinagawa ang culminating activity nitong Sabado sa BuCor headquarters, sa Muntinlupa City, kung saan 54 na PDLs ang dumalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa kabuuang 33,919 ang bilang na napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) simula Hunyo 30, 2022, kabilang ang 1,156 na persons deprived of liberty (PDLs) na pinalaya nitong nakalipas na Hunyo 12 hanggang Hulyo 17, 2026.

Isinagawa ang culminating activity nitong Sabado sa BuCor headquarters, sa Muntinlupa City, kung saan 54 na PDLs ang dumalo.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio  Catapang Jr, 83 ang may acquittal, 929 ang lagpas na sa sentensya, 15 ang nabigyan ng probation, 48 ang may habeas corpus, at 80 ang pinagkalooban ng parole, habang isa ang inilipat ng kustodiya.

Sa New Bilibid Prison na 437, Davao Prison and Penal Farm na 279, Sablayan Prison and Penal Farm na 141, Iwahig Prison and Penal Farm na 102, San Ramon Prison and Penal Farm na 91, Leyte Regional Prison na 48, Correctional Institution for Women (CIW) na 57, at isa sa CIW Mindanao. Kabilang ang 79 na kapatid na Muslim ang kasamang napalaya.

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with