^

Metro

235 suspect, wanted huli sa 24 oras - NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
235 suspect, wanted huli sa 24 oras - NCRPO
Sinabi ni NCRPO Director P/Major General Anthony Aberin, kabilang sa mga naaresto ang 34 na drug suspects, 63 katao na sangkot sa iligal na sugal at 81 wanted person na hinihinalang sangkot sa mga kriminal na aktibidad sa buong Metro Manila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umabot sa 235 na suspect at wanted persons ang naaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob lamang ng 24 oras kaugnay ng pinaigting na anti-crime operations sa buong Metro Manila simula Biyernes ng ­umaga Agosto 29 hanggang Sabado ng umaga.

Sinabi ni NCRPO Director P/Major General Anthony Aberin, kabilang sa mga naaresto ang 34 na drug suspects, 63 katao na sangkot sa iligal na sugal at 81 wanted person na hinihinalang sangkot sa mga kriminal na aktibidad sa buong Metro Manila.

“Additionally, five suspects were caught for loose firearms and other law enforcement operations, while 52 arrests resulted from immediate police responses and violations of existing laws,” ani Aberin.

Ayon sa  opisyal , ang agresibong anti-crime operations ay alinsunod sa tagubilin ni acting PNP chief,  Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga, loose firearms, at terorismo.

Kabilang sa naging gabay ang tinuran ni Nartatez na ang pagtatrabaho sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO) ay hahantong sa magkakasabay na mga estratehiya at sa pag-maximize ng mga mapagkukunan, at pagtiyak ng mabilis na pagtugon sa iba’t ibang distrito.

Idinagdag pa ni Abe­rin, mahalaga ang patuloy na mga operasyon laban sa droga, iligal na pagbitbit ng baril at manhunt sa mga wanted criminals upang  ‘di na makagawa pa ng krimen sa komunidad.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with