2K benepisyaryo, nabiyayaan sa NHA caravan
MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 2,000 benepisyaryo ang nabiyayaan sa isinagawang Peoples Caravan ng National Housing Authority (NHA) sa Las Piñas katuwang ang 27 ahensya ng gobyerno .
Ang caravan na inisyatibo ni NHA General Manager Joeben Tai ay naglalayong dalhin nang mas malapit sa mga benepisyaryo at kanilang pamilya at karatig-komunidad ang iba’t ibang programa at serbisyo ng pamahalaan.
Sa gabay ni NHA GM Tai, pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano ang programa, kasama si NCR South Sector Regional Manager Cromwell Teves, Las Piñas Lone District Representative Mark Anthony Santos at Las Piñas Mayor April Aguilar.
Sa okasyon, buong suportang pinakita ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang kanilang lakas sa pamamagitan ng mga pagsali ng City Health Office, City Social Welfare and Development Office, at Office for Senior Citizens Affairs.
Kabilang naman sa sa mga alok na serbisyo sa naturang NHA Peoples Caravan ang pagkakaloob ng libreng medical tests, pagbabakuna partikular sa mga single parents at senior citizen, aplikasyon ng National ID at sertipikasyon mula sa Civil Registry, PSA Serbilis Application mula sa Philippine Statistics Authority (PSA); membership registration at Loyalty Card issuance ng Pag-IBIG Fund; membership at issuance ng PhilHealth ID; at membership registration at pension concerns ng Social Security System (SSS) at iba pa.
- Latest




















