^

Metro

12 pulis, sibak sa namatay na suspek!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12 pulis, sibak sa namatay na suspek!
Sinabi ni Pasay City Police Station chief, PCol. Joselito de Sesto, ang mga kinasuhan ay kinabibilangan ng anim na tauhan ng Pasay City Police Sub Station 5, lima nagmula sa Southern Police District Mobile Force Battalion (SPD-MFB) at isa naman mula sa National Capital Region Police Office Mobile Force Battalion (NCRPO MFB). Dalawa sa mga ito ay may kinakaharap na reklamo ng pagmamaltrato.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang 12 pulis matapos ipagharap ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide kaugnay sa pagkamatay ng isang inarestong suspek sa Pasay City.

Sinabi ni Pasay City Police Station chief, PCol. Joselito de Sesto, ang mga kinasuhan ay kinabibilangan ng anim na tauhan ng Pasay City Police Sub Station 5, lima nagmula sa Southern Police District Mobile Force Battalion (SPD-MFB) at isa naman mula sa National Capital Region Police Office Mobile Force Battalion (NCRPO MFB). Dalawa sa mga ito ay may kinakaharap na reklamo ng pagmamaltrato.

Nag-ugat ang reklamo sa pagdakip ng mga pitong pulis noong Agosto 5 sa 29-anyos na lalaki na nagwala sa isang convenience store sa Barangay 75, Zone 10 sa Pasay.

Batay sa record, pumasok ang suspek sa stockroom ng convenience store at sa pag­responde umano ng mga pulis ay dinaganan ito at pinagsusuntok na nakuhanan ng CCTV.

Binitbit ng mga pulis Sub Station 5 ang suspek na nagreklamo na ng hirap sa paghinga kaya isinugod sa Pasay City General Hospital kung saan siya idineklarang patay.

Nakasaad naman sa medico legal report na ginawa ng Pampanga Provincial Forensic Unit, “asphyxia by manual strangulation” ang sanhi ng pagkamatay.

Pinag-aaralan pa ng pulisya ang iba pang kuha ng CCTV hinggil sa pagdakip sa suspek.

Ang mga kinasuhang pulis na sangkot kabilang ang Sub-Station 5 commander ay nailipat na sa personnel holding at accounting section ng Pasay City police at posibleng maharap din sa kasong administratibo sa kani-kanilang Internal Affairs Service unit.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with