^

Metro

5 bugaw tiklo, 9 bebot naligtas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas rehas ang limang bugaw habang nasagip ang siyam na kababaihan kabilang ang dalawang menor-de-edad sa magkahiwalay na entrapment operation na isinagawa sa Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD Acting Director, PCol. Randy Glenn Silvio, ang mga suspek na sina alyas “Angeline”, 37; “Rammil”, 33; “Anthony”, 24, pawang residente ng Brgy. Holy Spirit; “Angel”, 21, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City, at “Jerome”, 30 nakatira sa San Quintin, Pangasinan.

Nakatanggap umano ang mga operatiba ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng human trafficking sa loob ng tindahan ng suspek na si Angeline sa Commonwealth Ave., Brgy. Espiritu Santo sa lungsod kaya ikinasa ang joint entrapment operation. Naki­pagtransaksyon ang impormante sa manager ng tindahan, na si “Rammil,” na nag-alok sa isang babaeng menor-de-edad kapalit ng P1,500.

Inaresto ng mga ­operatiba sina Rammil at Angeline, at nailigtas ang apat na babaeng biktima at isang menor de edad.

Nagsagawa ng hiwalay na inspeksyon sa D’ Angels Bar, kung saan natuklasan ng Business Permit and Liscensing Department (BPLB) team na walang business permit ang establisyimento, at ang mga waitress/guest relations officers (GROs) ay walang indibidwal na yellow card o health certificate. 

Dahil dito inaresto si alyas “Anthony”, ang manager ng bar, at nailigtas ang apat na babae. Nadakip din si Jerome at Angel na kumokontak naman ng costumer para sa ­sexual intercourse.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with