^

Police Metro

2 NPA rebels patay sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang militar sa liblib na lugar sa bayan ng Leon, Iloilo nitong Huwebes.

Ang mga napatay na rebelde ay kinilalang  sina Nahum Camariosa, alyas Ka Rodel/Bebong, Squad Leader, nalalabi pang miyembro ng nalansag na grupo ng NPA rebel na nago-operate sa lugar at isang alyas Junjun.

Sa report ng AFP-Visayas Command, bago naganap ang engkuwentro, alas-7:30 ng umaga sa kahuyan ng Brgy. Cawilihan, Leon ng lalawigan ay nagsasagawa ng security operation ang Army’s 61st Infantry Battalion nang makatanggap ng report sa armadong presensiya ng mga rebelde sa lugar na nangongotong sa mga residente.

Nagresponde ang mga sundalo na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig at dalawang rebelde ang magkakasunod nasawi.

Narekober ang limang mga armas na kinabibilangan ng tatlong M16 rifles, isang M14 rifle at isang AK47 rifle . Gayundin ang isang anti-personnel mine, sari-saring mga kagamitang pandigma at apat na backpacks na naglalaman ng mga personal na kagamitan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with