^

Metro

Taga-Quezon City wagi ng P103 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Quezon City wagi ng P103 milyon sa lotto
Individuals place their bets at a lotto outlet in Kamuning, Quezon City on January 26, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang taga-Quezon City ang pinalad na magwagi ng mahigit P103 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola kamakalawa ng gabi.

Matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 09-56-36-07-55-54 ng UltraLotto 6/58 na may katumbas na jackpot prize na P103,439,627.60.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Fishermall Lotto outlet sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon Avenue sa Quezon City.

Kaugnay nito, pina­yuhan naman ni PCSO Gene­ral Manager Mel­quiades ‘Mel’ Robles ang mapalad na mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City upang makubra ang kanyang premyo.

Kinakailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with