Driver na expired ang lisensiya, puwede nang mag-renew - LTO
Mula noong Abril hanggang agosto ng 2023
MANILA, Philippines — Maaari nang magtungo sa alinmang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga driver na na-expired ang lisensiya buhat Abril hanggang Agosto 2023 para makapag-renew na kanilang drivers license.
Ito ang anunsyo ni LTO Chief Vigor Mendoza dahil available na anya ang mga plastic card license sa mga LTO offices partikular sa Metro Manila.
Niliwanag ni Mendoza na ang mga driver ay dapat nang mag-renew at kunin ang kanilang plastic license cards hanggang April 30 upang hindi magkaroon ng penalty .
“Yong mga na-expired last year ng April tsaka ‘yong mga nag-expired na po no’ng nakaraang taon ng Abril hanggang Agosto of last year, renew ‘yong kanilang lisensiya, at kunin ‘yong plastic card po nila, “sabi ni Mendoza .
Anya nadeliver na sa LTO ang 1.6 million plastic cards mula sa kabuuang 3.2 million kayat unti unti nang maaayos ang backlog sa mga drivers license na umaabot sa 4.1 million .
Niliwanag ni Mendoza na may takdang araw ang release ng license plastic cards upang hindi dumagsa ang maraming tao na pipila sa LTO para dito.
- Latest