^

Metro

Holy week exodus simula na, PITX ininspeksyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Holy week exodus simula na, PITX ininspeksyon
Pinangunahan ni Interior Sec. Benhur ­Abalos at Transportation Sec. Jaime Bautista ang naturang inspeksyon kasunod ng pahayag ng PITX ang kanilang kahandaan sa pagdagsa ng may 1.7 milyon nilang pasahero ngayong Semana Santa.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang Holy Week exodus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), kaya nagsagawa ng inspeksyon  ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa terminal para matiyak ang ligtas at mapayapang paglalakbay ng mga pasahero..

Pinangunahan ni Interior Sec. Benhur ­Abalos at Transportation Sec. Jaime Bautista ang naturang inspeksyon kasunod ng pahayag ng PITX ang kanilang kahandaan sa pagdagsa ng may 1.7 milyon nilang pasahero ngayong Semana Santa.

Kasama rin sa inspeksyon sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan Uy, Cybercrime Investigation and Coordinating Center Executive Director Alexander Ramos, PITX Spokesperson Jason Salvador, PITX Corporate Affairs Officers Kolyn Calvasa, LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz, LTO chief Vigor Mendoza II, PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., SPD acting director Brig. Gen. Mark Pespes, at MMDA Chairman Romando Artes

Sa kanilang pag-iikot sa PITX kinausap ng mga opisyal ang ilang pasahero kung maayos ba ang kanilang biyahe na tinugon naman na kuntento sila sa serbisyo. Inalam din nila ang mga kondisyon ng mga konduktor at mga driver ng bus at tiningnan ang kanilang drug testing results at lisensya sa pagmamaneho.

Pinayuhan na rin ni DOTr Secretary Bautista ang mga pasahero na huwag sumakay sa kolurum upang makatiyak na ligtas sa roadworthy ang sasakyan, mas maagang magtungo sa terminal, tiyaking dala ang mga kinakailangang papeles at huwag magdala ng mga ipinagbabawal upang huwag maabala.

Batay sa record, mula noong Marso 22, Biyernes, umabot sa 127,302 foot traffic o mga pumasok sa PITX at nasa 101,114 ang mga pasaherong sumakay hanggang Marso 23.

Kahapon, Lunes Santo, alas-7:00 pa lang ng umaga nang nagtala na ng 17,300 ang foot traffic sa PITX.

Ayon naman kay Jason Salvador, mas dadagsa ang pasahero pagsapit ng Miyerkules Santo at Huwebes Santo.

vuukle comment

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with