^

Metro

DAR office, nilusob ng mga magsasaka

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DAR office, nilusob ng mga magsasaka
Nilusob ng mga magsasaka buhat sa ibat-ibang munisipalidad sa Negros Occidental at Batangas ang tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City kahapon kasabay sa panawagan sa ahensya at maging kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuparin ang pangakong lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga lehitimo at karapat-dapat na benepisyaryo bago magtapos ang termino nito sa 2028.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nilusob ng mga magsasaka at mga manggagawa sa hacienda mula sa 15 bayan ng Negros Occidental at Batangas ang harap ng gusali ng Department of Agrarian Reform (DAR) central office sa Elliptical Road sa Quezon City.

Ayon kay Lanie Factor, national deputy coordinator ng ‘Task Force Mapalad’ ang kanilang pagkilos ay upang maiparating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pamunuan ng DAR ang kanilang mga kahili­ngan tulad ng pag-alis sa mga burukratikong sistema, at iba pang hadlang sa pagpro­seso at pamamahagi ng pribadong pang-agrikulturang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Anya nais nilang ituloy din ni Pangulong Marcos ang pangakong ipamamahagi ang mahigit 500,000 ektar­yang private-agricultural lands sa mga magsasaka at imbestigahan ang malawakang pagtanggal sa daang libong private lands sa ilalim ng Carp.

Sinabi pa ni Factor, na hindi sila aalis at magtatayo ng mga tent sa harapan ng DAR para sa kanilang pagkakampo, habang naghihintay ng malinaw na tugon ng gobyernong Marcos sa kanilang mga kahilingan.

Umaasa ang mga magsasaka na hindi mapapako at tutuparin ng Pangulo ang pangako sa mga lehi­timo at karapat-dapat na mga magsasakang benepisyaryo lamang ng programa bago matapos ang kaniyang termino sa 2028 at pairalin ang puso sa pagpapatupad ng reporma sa lupang agraryo.

vuukle comment

FARM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with