^

Metro

2 coed bugbog-sarado sa ka-eyeball na Kano

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 coed bugbog-sarado sa ka-eyeball na Kano
Positibong itinuro nina Thea, 22 at Ria, 28 kapwa graduating students at Parañaque City ang suspek na si Mario Christopher Burke, 28, American national ng No.4188 NE 16th Street, Homestead, Florida at isang tourist.
STAR/File

Nakilala sa ‘dating app’

MANILA, Philippines — Bugbog-sarado ang dalawang babaeng college students nang gulpihin umano ng kanilang ka-eyeball na American national sa loob ng isang hotel, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Positibong itinuro nina Thea, 22 at Ria, 28 kapwa graduating students at Parañaque City ang suspek na si Mario Christopher Burke, 28, American national ng No.4188 NE 16th Street, Homestead, Florida at isang tourist.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Masambong Police Station 2, nangyari ang insidente dakong alas-6 ng gabi nitong Miyerkules.

Bago ito, nagka­kilala ang mga biktima at suspek sa isang Dating Apps at nagkasundo na magse-sex.

Nakipagkita umano ang mga biktima sa suspek sa Dream World Hotel sa EDSA, Barangay Phil-am, Quezon City. Dito ay hiningan umano ng mga biktima ang suspek ng downpayment na ikinagalit nito kaya nauwi sa pananakit ng huli sa dalawang estudyante. Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang mga biktima.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima sa pulis na si PStaff Sgt. Edgar Garcia ng QC 58 Alpha at binitbit ang dayuhang suspek mula sa loob ng hotel.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women (VAWC) Act.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with