1 pang convicted sa ‘serious illegal detention’ ni Vhong Navarro, sumuko
MANILA, Philippines — Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pang-apat at huling akusado na hinatulan ng korte ng 40-taong pagkakakulong sa kasong “serious illegal detention for ransom” na isinampa ng TV host at actor-comedian na si Vhong Navarro.
Ayon sa NBI, boluntaryong sumuko sa tanggapan ni NBI Director Medardo de Lemos sa NBI head office sa Quezon City ang convicted na si Ferdinand Guerrero na may warrant of arrest at sinamahan ng kanyang abogado na si Atty. Alex Avisado, kahapon.
Ang paglutang ni Guerrerro sa NBI ay matapos ang ilang araw na pagtatago nang mahatulan siyang “guilty” ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 kasama ang iba pang akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz sa kasong nabanggit na isinampa ni Navarro.Sumuko si Guerrerro, matapos ang ilang araw na pagtatago nang mahatulan siya ng “guilty” ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 kasama ang iba pang akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz sa kasong isinampa ni Navarro.
Inaantay na rin ng NBI ang ilalabas na commitment order mula sa korte para mailipat sa New Bilibid Prison (NBP) si Guerrero.
Bukod kay Guerrero, kabilang sa mga na-convict sa nasabing kaso ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo at kasamahang si Simeon Raz makaraan silang mapatunyang “guilty” ni Judge Mariam G. Bien, Presiding Judge ng Taguig RTC Branch 153 at hinatulan ng “reclusion perpetua” o hanggang 40 taong pagkabilanggo nitong Mayo 2, 2024.
- Latest