^

Metro

Traffic enforcers ng 10 LGUs, na-deputized na ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcers ng 10 LGUs, na-deputized na ng MMDA
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas and a complainant speak to the media regarding the alleged bribery of an MMDA Traffic enforcer on March 19, 2024.
STAR / Ryan Baldemo

MANILA, Philippines — Maaari nang mag-isyu ng violation ticket sa ilalim ng single-ticketing system (STS) ang mga traffic enforcers ng 10 local go­vernment units (LGUs) sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nitong Miyerkules ay na-deputized na ang mga traffic enforcer ng Malabon, Mandaluyong, Valenzuela, San Juan, Navotas, ­Parañaque, Pasay, Pasig at Quezon City at maging ang munisipalidad ng Pateros.

Ang deputization ng mga traffic enforcers ng LGUs ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema kamakailan na umaayon sa hurisdiksyon ng MMDA na i-regulate ang trapiko sa Metro Manila, ngunit ipinagbabawal ang mga LGUs na mag-isyu ng sarili nilang traffic violation ticket sa pamamagitan ng STS.

Ang Korte Suprema ay nagpasya noong Marso na ang MMDA ay may eksklusibong awtoridad na magpatupad ng mga batas trapiko, mga patakaran at regulasyon sa NCR at ang mga LGU ay maaari lamang lumahok sa mga naturang gawain kapag ang kanilang mga traffic enforcer ay na-deputize ng ahensya.

Ito’y sa pagbawi naman sa naunang desis­yon ng Court of Appeals (CA) na umaayon sa mga ordinansa sa trapiko ng mga LGU na nagpapahintulot sa pagkumpiska ng drivers license at pag-iisyu ng mga resibo ng paglabag sa ordinansa sa mga lumalabag na motorista.

Nauna nang sinabi ni MMDA Acting Chair Romando Artes na hindi na maghahain ang ahensya ng motion for reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema ngunit maaaring gawin ito ng ibang LGUs.

Dahil sa hindi kakayanin ng MMDA ang laki ng saklaw ng Metro Manila kailangan ang deputization para sa pagpapatupad ng mga mga regulasyon sa trapiko.

Ang STS, na nakapaloob sa Metro Manila Traffic Code na pinagtibay ng Metro Manila Council noong Pebrero 2023, ay nag-standardize sa mga multa at parusa para sa mga karaniwang paglabag sa trapiko at nagbibigay ng interconnectivity sa pagitan ng mga concerned agencies.

vuukle comment

LGU

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with