^

Metro

Quezon City LGU at SSS kapit-bisig sa pagkakaloob ng social security sa contractual at job order employees

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City LGU at SSS kapit-bisig sa pagkakaloob ng social security sa contractual at job order employees
Si SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet (gitna) at sina QC Mayor Joy Belmonte kasama si Vice Mayor Gian Sotto at mga opisyal ng SSS nang lumagda sa isang kasunduan para sa Kasssangga Collect Program ng ahensiya sa isang simpleng seremonya ginanap sa QC hall.

MANILA, Philippines — Magkatuwang ang Quezon City Local Government at Social Security System (SSS) para mabigyan ng sapat na social security coverage ang mga job order at mga contract of service employees sa lungsod.

Ito ay makaraang lumagda sina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at QC Mayor Joy Belmonte sa isang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program para dito.

Sa ilalim ng kasunduan, magiging miyembro na ng SSS ang mga job order at contractual emplo­yees ng pamahalaang lungsod ng QC.

Katumbas ito ng pagiging qualified na rin ng QC employees sa mga benepisyo at loan programs ng SSS. 

Mas magiging madali na rin ang paghuhulog sa SSS ng naturang mga empleyado dahil hindi na kailangan pang pumunta sa SSS payment cen­ters at magiging regular na ang remittance nito ng pamahalaang lungsod. 

Nagpasalamat naman si Mayor Belmonte sa SSS dahil mas inilapit nito ang kanilang serbisyo sa mahigit 12,000 JO employees ng pamahalaang lungsod.

vuukle comment

EMPLOYEE

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with