^

Metro

PITX nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga pasahero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit sa inaasahan ang naitalang mahigit 204,000 pasahero na dumagsa sa Para­ñaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong Sabado ng gabi, Disyembre 23.

Sinabi ni PITX corporate affairs and government relations head Jason Salvador, na ang kabuuang 204,647 pasahero na dumagsa sa PITX  sa loob ng isang araw , ay ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng PITX, sa panayam ng DzBB nitong Linggo.

Ang PITX ay ina­asahang magsisilbi sa 2.6 milyong pasahero mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024 dahil sa tradisyon na pagsasama-sama ng mga pamilya sa Pasko at Bagong Taon.

Noong Dis. 21, nang magsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Interior and Local Government (DILG) sa PITX, gayundin ang Department of Transportation (DOTr) para matiyak ang seguridad ng mga biyahero.

vuukle comment

DZBB

PITX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with