^

Metro

Electrician, patay sa gulpi ng tanod

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Electrician, patay sa gulpi ng tanod
Tinangka pa ng mga doktor ng Sta. Ana Hospital na imaisalba ang buhay ng biktimang si Raynaldo Traballo, 54, ng Durian St., Kahilum 2, Pandacan, Maynila ngunit binawian din ng buhay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang electrician nang gulpihin ng isang barangay tanod nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa kuryente sa Pandacan, Manila, kamakalawa.

Tinangka pa ng mga doktor ng Sta. Ana Hospital na imaisalba ang buhay ng biktimang si Raynaldo Traballo, 54, ng Durian St., Kahilum 2, Pandacan, Maynila ngunit binawian din ng buhay.

Samantala, nakatakas naman at tinutugis na ng mga pulis ang suspek na si Geraldo Humagio, 37, na residente rin ng naturang lugar.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-5:40 ng hapon sa Paras St., Kahilum 2, Pandacan.

Nauna rito, nakikipagtalo umano ang biktima sa isang babae kaugnay sa tinanggal na kuryente.

Nakita umano ito ng barangay tanod kaya’t niyaya ang dalawa na sa barangay na lamang pag-usapan ang reklamo.

Gayunman, hindi umano naging maganda ang sagot ng biktima sanhi upang mapikon ang suspek at sampalin ito.

Tumakbo umano ang biktima at nakatakas at nagpunta pa sa presinto ang biktima para magreklamo.

Hiniling din umano niya sa mga pulis na isugod siya sa pagamutan dahil sa sakit na nararamdaman, ngunit binawian din ng buhay kamakalawa ng gabi.

DEAD

ELECTRICIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with